MayWard at Chie, nag-jibe sa lock-in taping

Chie
STAR/ File

Naging malapit na kaibigan ni Chie Filomeno sina Maymay Entrata at Edward Barber. Kabilang din kasi ang sexy actress sa pelikulang Princess Dayareese na pinagbibidahan ng tambalang MayWard. Ilang araw din ang naging lock-in shooting para sa bagong pelikulang ito ng Star Cinema. “Actually sa Bulacan kami naging close. Walang signal, so wala talagang phone. So nakapagkuwentuhan, sabay-sabay kumain. Nakakatuwa na ‘yon ‘yung outcome ng work,” bungad ni Chie.

Ayon sa dalaga ay maraming mga bagay ang kanyang natuklasan tungkol kina Maymay at Edward. Mas nakilala ni Chie ang tunay na ugali ng dalawa sa totoong buhay na hindi nakikita ng mga manonood. “Naalala ko noong si Maymay ay laging pumapasok na lang bigla-bigla sa kwarto namin. Mambubulabog po, magkukuwento anything under the sun pinagkukuwentuhan namin. Talagang nag-build ‘yung friendship namin kasi nagdya-jibe kami together. May mga time na bigla na lang nagsasabi siya na, ‘’Day! Di ka pala maarte ‘no? Super gusto kita kasi ‘di ka maarte.’ Ang naalala ko ay Edward is hindi kami puwede kumain nang hindi sabay-sabay. ‘Yon ang nakakatuwa sa kanya,” kuwento ng aktres.

Ginampanan ni Chie ang karakter ni Dayang Diwa na isang prinsesa sa naturang digital fim. Ibang-iba raw talaga ito sa kanyang mga nagawa na noon. “Siya ‘yung tipong ruler or princess na she wants what’s best for her people and for her island. Mas mature ito kasi ‘yung mga role ko mean girl, ‘yung talagang sassy. Ito prim and proper as in ‘yung ruler na type. As in ‘yung stance mo ay you are a princess. Ibang-iba talaga siya. As usual kontrabida pa rin ako,” pagbabahagi ng dalaga.

Alexa, gustong makausap si Bea

Masayang-masaya si Alexa Ilacad dahil nabigyan ng pagkakataong makapagbida sa pelikulang Four Sisters Before the Wedding. Kasamang bida ng aktres sa bagong pelikula sina Gillian Vicencio, Charlie Dizon at Belle Mariano. Prequel ito ng Four Sisters and A Wedding na pumatok sa takilya noong 2013. Gagampanan ni Alexa ang karakter ni Roberta Olivia Salazar o Bobbie na pinasikat noon ni Bea Alonzo. “Hindi ko pa nakausap si Ms. Bea and that would be a dream of mine. Sana kung sakaling mapanood niya, matuwa siya, ma-proud siya,” pahayag ni Alexa.

Isang malaking karangalan para sa aktres ang mapabilang sa bagong pelikula lalo pa’t marami raw talagang nag-audition para rito. “Ang movie na ito ay isang answered prayer para sa akin. I wanted so bad to be part of this film, just thinking about na ikakasikat ko ito or just because it can possibly be my break, but just because I loved the first movie and it is iconic. I would love to do our own version with our own twists, but I’m just very thankful. I think just having met the people I’ve worked with, just me having this new family with me, that’s my greatest takeaway from all of this. Grabe talaga ‘yung samahan namin,” paglalahad ni Alexa.

Mapapanood ang Four Sisters Before The Wedding simula December 11 sa pamamagitan ng ktx.ph, iwantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV at pay per view ng Sky Cable. (Reports from JCC)

Show comments