Karen may kakarerin
Karen

Karen may kakarerin

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Dadalhin ni Karen Davila ang mga usaping negosyo, trabaho, at personal na buhay na may hatid na lakas ng loob sa Kumu sa kanyang bagong talk show na Karerin Natin ‘Yan! na mapapanood na sa FYE Channel tuwing Huwebes ng umaga.

“Na-realize ko sa panahon ng COVID na maraming tao na gusto nila ng kausap, maraming tao na naghahanap ng advice, ng inspiration at encouragement. Ito na ang opportunity ko na magbigay ng guidance bilang mentor, bilang ate, at bilang kaibigan,” ani Karen.

Handa na nga ang Kapamilya news personality na maghatid ng lakas ng loob sa mga manonood sa Karerin Natin ‘Yan! para makamit ang iba’t ibang kagustuhan—kahit pa tungkol sa career, negosyo, usaping pag-ibig, beauty at fashion pa yan.

“It’s the secret to success—kung ang isang bagay ay kakarerin mo. magugulat ka na that if you put 200% focus sa isang bagay ay you will succeed,” paglalahad ni Karen sa premiere episode ng programa noong Nobyembre 26.

Aniya, “Hindi ito tungkol sa paggawa ng maraming bagay kundi paghahanap ng inyong passion at pagcommit ng 100% o 200% ng inyong pag-iisip, puso, katawan, at kaluluwa para makamit ang isang bagay.”

Ito ang ang pinakabagong show na inilunsad ng FYE Channel na handog ng ABS-CBN sa Kumu kung saan tampok ang games, comedy shows, at masasayang kuwentuhan tungkol sa local culture, lifestyle at entertainment.

Mapapanood ito tuwing Huwebes ng 10:30 a.m.

KAREN DAVILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with