Court battle nina Raymart at Claudine, inaasahang magiging dirty
Raymart
STAR/ File

Court battle nina Raymart at Claudine, inaasahang magiging dirty

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

Sana huwag nang marami pang ma­damay sa bagong paghaharap nina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte. Mukhang magiging ugly fight ito dahil nga sustento ang pinag-aawayan.

Eh ‘pag pera ang usapan usually it leaves a bad taste in the mouth. Siyempre ‘yung nauna na usapang magbibigay ng P100K a month na sustento si Raymart, medyo mabigat nga dahil walang gaanong trabaho si Raymart bago ang Ang Probinsyano.

Now, akala ng lahat ok na at may happy pill na si Raymart kay Jodi Sta. Maria pero bigla na namang nabuhay ang issue na meron pa palang dapat ayusin sa korte, at hindi pa pala annulled ang marriage nila ni Claudine.

Bongga dahil tutok na naman ang lahat ng diyaryo sa nagaganap na saga sa married life nina Raymart at Claudine na noong una akala ng lahat ay ok na, pero ngayon ay may mga hearing pa pala na magaganap.

Sana matapos na, para naman meron na silang happy ending lahat, si Claudine, si Jodi, at si Raymart.

Sana lahat sila happy sa Pasko, walang uuwing luhaan, lahat may happy face at smile.

Kamiseta, may beauty products na

Ilo-launch na pala ni Cris Roque ng Kamiseta Skin, ang beauty products niya. Ito ‘yung matagal nang gusto ni Cris na i-launch dahil nga ngayon na halos lahat nakatutok sa Korean products for the skin, heto naman ang Kamiseta na talagang gumawa ng products ng mga mahuhusay na dermatologist para magamit ng mga Pilipino na talagang bagay sa ating balat.

Aside from Kamiseta apparel na gustung-gusto ng mga bagets, ang bagong launch na prints, gusto rin ni Cris na magustuhan ng lahat ang skin products na ginawa ng Kamiseta.

KAMISETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with