Mike dalawang dekada nang Imbestigador ng bayan!

Mike

Twenty years na pala ngayong 2020 ang GMA Public Affairs program na Imbestigador. Ibig ding sabihin nito ay dalawang dekada na ang award-winning broadcast journalist at Sumbungan ng Bayan na si Mike Enriquez.

In all fairness, marami nang natulungan ang Imbestigador at isa talaga siya sa naging sumbungan ng bayan.

Anyway, isa ang Imbestigador sa mga programang nakapagpalabas agad ng fresh episodes kahit pa may pandemya.

Noong Hulyo ay nagkaroon ito ng series ng investigative reports na tumatalakay sa COVID-19. Sinundan pa ito ng paglalahad ng mga krimeng naganap sa gitna ng community quarantine sa Imbestigador: Quarantine Crimes series.

Congratulations sa Imbestigador at kay Mike Enriquez!

 

Show comments