John Lloyd makikipag-usap kay Boy Abunda

John Lloyd

Isang matinding kwentuhan kasama ang special guest na si John Lloyd Cruz ang magaganap sa bagong episode ng The Best Talk ni Boy Abunda na mapapanood sa Sabado, 9 p.m. sa Pinoy livestreaming app na Kumu. 

Ka-abang-abang ang magiging usapan ng dalawa online dahil si John Lloyd umano mismo ang magbabato ng mga nakakapukaw na tanong sa King of Talk.

And of course, marami rin malalaman tungkol sa actor at hindi siya basta-basta pakakawalan ni tito Boy.

Tinaguriang ‘show for a cause,’ muling ilalaan ni Boy ang kanyang virtual gift earnings mula sa inaabangang episode para sa kawanggawa.

Show comments