Jessy naloka sa RIP Rico J. habang naka-bikini

Jessy
STAR/ File

Naloka si Jessy Mendiola sa nag-viral na bikini photo niya at may caption na “RIP RICO J. PUNO.”

Bukod sa naka-two piece bikini siya, nakatawa pa at parang masaya ang hitsura niya sa photo.

Kaya naman agad-agad ay sinabi ng girlfriend ni Luis Manzano na certified fake news iyon at hindi siya ang gumawa nun.

“Guys, tanga nalang maniniwala na I posted this. Please refrain re-tweeting or reposting this EDITED pic. RESPETO naman sa sumakabilang buhay,” caption ni Jessy.

“Wag maniwala sa lahat ng nakikita online.”

Grabe naman kung may maniniwala ‘dun.

Wala namang konek para mag-post siya nito.

Last October 30 ang second death anniversary ng Pinoy music legend.

Show comments