^
James Reid na-prank call, sinubukang utangan ng P5 milyon on live TV
Litrato ni James Reid (kaliwa) at Billy Crawford (kanan)
Mula sa Instagram account ni James Reid; Videgrab mula sa Twitter account ng TV5

James Reid na-prank call, sinubukang utangan ng P5 milyon on live TV

James Relativo (Philstar.com) - November 5, 2020 - 7:58pm

MANILA, Philippines — Tila na-"Wow Mali" ang singer-actor na si James Reid, matapos kamuntikang magpautang ng limpak-limpak na salapi sa kapwa aktor, Huwebes, sa gitna ng krisis ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nagkunwari kasing gipit si Billy Crawford sa programang "Lunch Out Loud" ng TV5 kanina, at sinabing maririmata ang kanilang bahay dahil wala raw siyang kita ng pitong buwan.

Dahil diyan, tinangka ni Billy na humiram ng P5 milyong piso — kung saan papayag na sanang magbigay ng pera ang aktor: "I'm about to lose my house... Are you good if I can like borrow, let's say, in advance, P5 million?" tanong niya kay James.

"Most of my money is in Australia, so I have about [amount redacted] with me... I'm willing to help," sabi naman ni Reid.

"Let me transfer you how much I have in my bank right now."

 

Tinuloy-tuloy pa ito ni Billy at sinabing napilitan na siyang ibenta ang kanyang kotse, bike, atbp. para mabayaran ang kanilang pang-araw-araw na necessities.

Itinaas pa niya ang stakes at hihiramin pa sana ang kotse ni James, kung saan pumayag naman siya. Nagpaalam pa siya kung pwede niyang ibenta ang kotseng hihiramin.

Halos hindi na mapigilan ng mga tao sa studio ang pagtawa, ngunit nagpipigil upang hindi mabuko ang prank.

'You got me good!'

Gayunpaman, kinailangan din aminin ni Billy na biro lang ang lahat ng ito at segment lang para sa kanilang noontime variety show.

Sport naman si James at hindi napikon sa naturang prank: "That's how much I love you, bro... You got me good!" patawang sabi ni James kay Billy.

"Bro, I'ma f*cking kill you when I see you haha. Oh my God."

Kamakailan lang nang ilabas ni Nadine Lustre, ex-girlfriend ni James, ang kanyang panibagong album — bagay na prinoduce mismo ng aktor sa pamamagitan ng music label na Careless Music.

Umabot na sa 1.34 million views ang naturang "visual album" sa loob lamang ng limang araw.

BILLY CRAWFORD JAMES REID NADINE LUSTRE PRANK CALL TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with