Zia umeksenang jasmine sa halloween party

Zia
STAR/ File

Hay ang super cute ni Zia Dantes sa kanyang Princess Jasmine outfit na posted sa social media account ng super mom niyang si Ma­rian Rivera.

Nagkaroon kasi ng new normal party sa school ang parang dalaginding nina Marian and Dingdong Dantes kaya naman nag-outfit ito ala-Jasmine ng Aladdin.

As usual, pinusuan ng libu-libong followers ni YanYan ang nasabing photo ni Zia na parang dalaga ang mga emote.

Anyway, kung walang pandemya, I’m sure kabi-kabila ang Halloween party tonight. Patalbugan tiyak ng outfit ang mga celebrity na ang iba ay nagpupunta pa sa Hong Kong para maki-party.

But sadly, iba na ang buhay ngayong 2020 dahil sa health crisis.

Show comments