^

PSN Showbiz

Mga bakla at tomboy, naudlot ang selebrasyon sa pagpabor sa ‘union’ ni Pope Francis

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mga bakla at tomboy, naudlot ang selebrasyon sa pagpabor sa �union� ni Pope Francis
Pope Francis

Hindi pa dapat magdiwang ang mga showbiz gay, at kahit na iyong mga tomboy na may balak na pakasal dahil sa sinabi sa isang pelikula ni Pope Francis. Ang sabi lang ng Papa, ang mga bakla at tomboy ay mga anak din ng Diyos, at kung may magagawa ngang batas para sa isang civil union para sila ay mabigyang proteksiyon ay ok iyon sa kanya.

Una, ang ibig sabihin sinabi lang ng Papa ang isang personal na opinion, at hindi iyon nangangahulugan na pinapayagan na o kinikilala ng simbahang Katolika ang kasal ng bakla at tomboy kahit pa kilalanin iyon ng batas na sibil. Ni wala siyang binanggit na “kasal” ang sabi lang niya ay “civil union” at malaki ang kaibahan noon.

Malaki rin ang kaibahan noong magpalabas ng doktrina o katuruan ang simbahan kaysa sa sinabi lang sa isang film documentary. Hindi pa dapat matuwa ang mga showbiz gay and lesbian.

Tekla, gusto nang tapusin ang isyu sa ka-live in

Mangiyak-ngiyak si Tekla nang sagutin ang mga akusasyon sa kanya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag, hindi sa programa ni Raffy Tulfo kung saan dumulog ang kanyang live-in partner laban sa kanya, kundi sa 24 Oras newscast ng GMA 7.

Sinabi niyang hindi totoo ang mga sinabi ni Michelle laban sa kanya, at lalong hindi niya ginutom ang mga iyon. In fact sabi niya, ikinuha pa nga raw niya ng account ang mga iyon sa isang payment system para makabili sila hindi lang ng pagkain kundi kung ano man ang gusto nila, na hindi na kailangang lumabas ng bahay dahil may pandemic nga.

Sinabi rin niyang hindi niya maaaring pabayaan ang kanilang anak. Sinabi pa niya ang tungkol sa naging sakit noon, na ang dahilan ay dahil sa kapabayaan ng kanyang live-in partner, at siya ang mag-isang nag-alaga sa kanilang anak dahil ni minsan hindi sumipot ang live-in partner niya na nanay ng kanyang anak sa ospital.

Sinabi niyang nauna roon, naramdaman na niyang gustong makipag­hiwalay ng kanyang live-in partner sa kanya matapos siyang i-block nito sa social media. At gusto man daw noon na makipaghiwalay sa kanya ay inirerespeto niya ang kagustuhan noon. Pero sinabi niyang kung may problema sila, dapat na pinag-usapan nila iyon bilang isang pamilya, at hindi iyong binuksan agad sa publiko.

Alam ni Tekla na nakasira sa kanya ang ginawang iyon ng kanyang live-in partner, pero sinasabi nga niyang gusto pa rin niyang mapag-usapan ang kanilang problema bilang isang pamilya, at hindi iyong mag-uusap sila sa publiko nang naka-broadcast pa.

May katuwiran din naman siya, dahil ano nga ba ang pakialam ng ibang tao sa kanilang problemang personal? Dapat talaga sila lang ang mag-usap.

Angel, naglabas ng ebidensiya na hindi makakaliwa ang kapatid

Bilang sagot naman sa bintang sa kanya na itinatago niya ang katotohanan tungkol sa kanyang kapatid na diumano ay “namundok na sa Quezon” matapos na ma-involve sa mga samahang kumikiling sa “kaliwa,” inilabas ni Angel Locsin ang isang family picture noong birthday celebration ng kanilang bunsong kapatid kung saan naroroon ang kapatid niyang si Ka Ella Colmenares na sinasabing sumama na sa NPA.

Katunayan lamang iyon na ang kapatid niya ay nasa kanilang tahanan at hindi totoong sumama sa mga rebelde at namundok na nga sa Quezon.

Iyon ang minsang sinasabi ngang mga pagkakamali naman siguro sa mga intelligence report na nakukuha at pinaniniwalaan ng military, kahit na hindi pa kumpirmado.

vuukle comment

POPE FRANCIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with