Julia at Joshua, malabo na uling magtambal
Joshua and Julia
STAR/ File
Julia at Joshua, malabo na uling magtambal
SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Ngayong nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency si Julia Barretto ay posibleng hindi na makatrabahong muli si Joshua Garcia. Aminado ang aktres na talagang hahanap-hanapin niya ang dating katambal at kasintahan. “First mami-miss ko ‘yung makatrabaho ang isang mahusay na aktor. He’s a very good actor. Pangalawa ‘yung pagiging maalaga niya sa set sa akin. And pangatlo, ‘yung friendship namin dahil maganda ang pagkakaibigan namin na hanggang ngayon naman ay magkaibigan pa rin kami,” pagtatapat ni Julia.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Julia at Joshua noong isang taon. Kahit hindi nagkatuluyan ay masaya naman ang aktres dahil talagang nanatili ang pagiging magkaibigan nila ng binata. “It’s important na kayong dalawa willing to save the friendship. Kasi kung isa lang sa inyo ‘yung may gusto no’n hindi talaga mase-save ‘yung friendship. Pero kung from both ends naman eh, nagpapakita ng effort na ma-save ‘yung friendship magiging maayos kayo. At saka maganda while you’re moving forward with your life alam mong lahat ng nando’n sa past mo eh, maayos ang naging ending. Masaya ako at natutuwa ako na naging maayos naman ‘yung ending naming dalawa. Lumabas kami ng break-up namin nang mas mature at mas mabuting tao,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

Para kay Julia ay mas mabuting maging magkaibigan na lamang sila ni Joshua at hindi na muling magkabalikan bilang magkasintahan. “Hindi na kami pareho talagang eager to go back to the past. Parehong klaro sa aming dalawa na we’re friends now and we’re going to move forward but nonetheless I wish him best and I hope that whoever he ends up with sana ay talagang mahalin siya at alagaan siya nang mabuti. I’m really moving forward, and I’m very, very happy so there’s no need to go back,” giit ng aktres.

Matindi ang pinagdaanan sa krisis

Jed, nanginginig at lakad nang lakad sa bahay dahil sa stress

Hindi naging madali para kay Jed Madela ang mga naranasang pagsubok ngayong patuloy pa rin nating kinakaharap ang banta ng covid-19 pandemic. Ayon sa singer ay talagang hindi maganda ang epekto ng krisis lalo pa’t ilang buwan nang nananatili lamang sa bahay. “Grabe ‘yung pinagdaanan, ‘yung tipong nagma-manifest na sa katawan. Lagi akong nanginginig. Tapos pinagpapawisan ako, di ako mapakali. Lakad ako nang lakad sa bahay. Tapos tinatanong nila ako, ‘Ano nangyayari sa iyo?’ Wala, hindi ako makahinga,” kuwento ni Jed.

Dahil sa mga naranasang iregularidad ay kinailangan nang kumonsulta ng singer sa isang espesyalista. “Sabi nila it’s panic attack, anxiety and it’s because of stress. It’s because of too much thinking. Sinabi talaga sa akin ng doktor na there’s nobody who can help you but yourself. Kung gusto mo huwag mag-depende sa gamot. Kasi may gamot naman daw pero short-term lang, babalik at babalik din ‘yon. Kailangan mo talaga labanan ang demons sa utak mo kumbaga. Kung hindi mo ma-solve eh di wala. Kung kaya mo i-solve, isa-isahin mo para huwag magpatung-patong lahat ng problema, and relax. You have to relax and focus muna at huwag masyadong mag-isip. Kasi minsan akala natin ang pag-iisip ay maso-solve natin lahat,” pagbabahagi ng singer.  Reports from JCC

VIVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with