^

PSN Showbiz

Lorna Tolentino, lumaki na ang ilong sa kaka-swab test

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lorna Tolentino, lumaki na ang ilong sa kaka-swab test
Lorna Tolentino

Punung-puno ng pag-asa ang ipinu-post ng mga taga-Ang Probinsyano tungkol sa kanilang programa matapos maglabas ng statement ang ABS-CBN 2 tungkol sa channel A2Z na mapapanood sa ZOE TV starting October 10.

Nakatsikahan namin sa DZRH si Lorna Tolentino noong Martes ng gabi at nabanggit nga niya sa amin na dapat ay may zoom meeting daw sila nung gabing iyon pero hindi natuloy. Baka iyon na raw ang pag-uusapan nila, kaya masaya silang lahat.

Kamakailan lang ay nag-celebrate sila ng 5th year anniversary ng Ang Probinsyano at sa kanilang virtual celebration, very positive silang tatagal pa ang teleserye ni Coco Martin.

Happy na si Lorna na two years na siya bilang si Lily sa teleseryeng ito, pero mas okay daw kung tatagal pa siya. “Tuwang-tuwa nga ako nang sabihin ni Coco na wala munang mamatay na kontrabida,” natatawa niyang pakli.

“Nu’ng nag-celebrate kami sa Zoom meeting namin nu’ng 5th anniversary, tuwang-tuwa kaming lahat at kinu-congratulate namin lahat na bumubuo ng Probinsyano. Sinabi namin na sana 5 more years pa ang itagal. Kasi marami pa naman talagang puwedeng gawin,” dagdag na pahayag ng aktres.

Kaya isa rin daw siya sa nakiki-wish na tumagal pa ng limang taon ang naturang teleserye.

Katatapos lang nilang mag-taping ng second round at pinaghahandaan na nila ngayon ang third round ng lock-in taping. Kaya hindi nga raw totoong malapit nang tapusin ang teleserye nila.

Mga advance na mga eksena na raw ang kinukunan, at nasabihan na rin sila na pagkatapos nitong third round taping ay meron pa raw silang fourth round, para pagdating ng Pasko ay bakasyon na raw sila.

At paghahandaan na uli nila ang taping nila next year.

Nakasanayan na nga raw ni Lorna ang sistema nila sa taping na kung saan may entry and exit swab test silang lahat. “Sabi ko nga sa kanila, parang lumaki na ang butas ng ilong ko sa kaka-swab test,” natatawa niyang pahayag.

Pero medyo nakasanayan na raw nila at paulit-ulit na nagpapasalamat si Lorna sa Diyos na okay ang kalusugan niya kahit stressful din ang taping nilang naka-lock in.

Basta todo ang vitamins niya, supplements at kinukumpleto ang tulog para hindi raw bumaba ang immune system niya.

Abangan na lang daw ang mga susunod pang magaganap sa Ang Probinsyano at maaaring mapapanood na nga ito sa ZOE TV sa mga darating na araw.

Waray... aabot na sa 2021

Sa October 26 ay mapapanood na ang recap ng Descendants of the Sun ni Dingdong Dantes at saka papasok na ang bagong episodes sa November 9 kasabay ng iba pang drama series ng GMA 7 tulad ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na natapos na rin ang taping.

Magsisimula na ang recap nito sa November 23 at idudugtong na ang bagong episodes sa January 25, 2021.

Patapos na rin ang taping ng afternoon prime nilang Prima Donnas, at napapanood na natin ngayon ang recap nito. Kaya papasok na ang bagong episodes sa November 9.

Sabi nga nila, medyo challenging daw talaga sa mga writer ang pag-adjust ng kuwento sa sitwasyon natin ngayon na ang dami pang bawal. Pero nairaraos naman nila at inaasaahang maganda ang mapapanood sa mga bagong episodes ng mga drama series ng GMA 7.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with