_ngayon
^

PSN Showbiz

Cristy, fresh na fresh ang bagong hairstyle

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cristy, fresh na fresh ang bagong hairstyle
Cristy
STAR/ File

Ang ganda ng pauso ni Cristy Fermin na talagang pinutol ang buhok para magkaroon ng bagong tubo. Lahat nagsabi na presko at bagay kay Cristy.

Naku, dala lang iyan ng inis sa walang katapusang problema ng Q, Salve, noh.

Kasi nga tuwing may Q ay walang show, ayun nagkasakit ako at nagpakalbo si Cristy. Pag nakita ko na technicolor na ang buhok ni Mr. Fu, ayun na.

Kaya promise mo, Salve, na kahit barbeQ o bananaQ ang ideklara, tuloy pa rin ang show natin noh, sinabi ko na kay Papa Miguel Belmonte noh, at payag na siya, hah hah hah.

Pa-contest ni Bong patok sa kanyang followers

Ang ganda ng response ng followers ni Sen. Bong Revilla sa Facebook contest niya para sa tablets na ibibigay sa deserving students.

Talaga palang ang daming may kailangan ng tablet computer dahil nga sa kakaibang system natin sa education ngayon.

Nakakatuwa naman dahil marami rin ang mga nagbibigay, katulad ni Willie Revillame sa Tutok to Win at ang Eat Bulaga ay may pa-contest din.

Naku, jackpot ngayon ang mga tindahan at dealers ng tablets at accessories ha, kasi dapat lahat ng students meron nito. Bongga.

Nice Wednesday...

So happy to have the time again seeing friends. Nice Wednesday na after that lunch sa Annabels with Cris Roque of Kamiseta, Leo Espinosa, Pat P. Daza, nakita ko naman sa wake ni Manay Ichu Maceda sina Papa Miguel at Mama Millette Belmonte.

Ang tagal ng chitchat nila ni Ernest Maceda dahil best friends pala sila noong college. Sa tagal siguro na hindi sila nagkita, ang haba ng usapan nila.

Parang flower garden ang Sampaguita dahil puno ng bulaklak, lahat ng klase, at mukhang naubos ang flowers sa tindahan. Ang sarap ng feeling na makita mo na mahal na mahal nila ang nawala.

So nice to go out once in a while, seeing familiar faces, having small talks.

Hay naku, isuot mo na ‘yung PPE mo, Salve, na bigay ng Kamiseta, para safe tayo pag nasa labas.

CRISTY FERMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with