^

PSN Showbiz

Mga baguhang artista, hindi na halos maalala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mga palabas lahat replay

Sana naman ma-utilize ang lahat ng stars ngayon na matagal na ring walang trabaho. Sana nga ‘yung bagong projects na iniisip i-launch ay magamit na rin ang mga hindi nagagamit na stars.

Halos sa tagal ng quarantine, parang hindi mo na maalala ‘yung ibang artista, lalo pa nga at mga replay ang napapanood sa TV. Ang parang mas kilala pa ngayon ay ang mga dating artista.

Mabuti na nga lang merong mga online show, Facebook at YouTube kung saan meron silang posting dahil kung hindi baka malimutan mo na ang pangalan at mukha nila. Lalo pa nga ngayon na walang mga presscon, kung saan sila ipinakikilala.

Naku, dapat kahit paisa-isa meron silang gawin ngayon para makilala uli, malaman ng mga tao na active pa rin sila at puwedeng lumabas anytime na kailangan.

Dapat meron uli silang mga publicity para maipakilala uli.

TV5, buhay na uli

Alam mo na active at buhay na buhay ang TV5 dahil pati  ang giveaway nila na ring light  ay puwedeng gamitin sa Zoom conferences and meetings.

Alam mo rin na sa loob ng TV5, very busy ang activities, dahil hayun ang daming publicities ng bagong shows at talagang walang hinto sa production ng mga bagong mai-offer nila sa viewers.  Dapat lang na sa panahon ngayon ay maging aktibo ang TV5 lalo pa nga at napilay ang ABS-CBN.

So, ‘yung bagong shows at mga artista na nasa TV5 ngayon ay malaking boost sa showbiz kaya welcome na welcome ang pagiging aktibo nila.

Good timing at good shows, iyon ngayon ang bentahe ng TV5.

Bongga at welcome.

Alden may malasakit

Ngayong may pandemic, na-feel ng showbiz writers ‘yung stars na talagang may concern sa kanila.

Marami tayong narinig na kahit papaano ay nagbigay ng ayuda, mapa-financial at grocery items, at meron ding kahit tawag o text ay nagtatanong at nangungumusta sa writers.

Marami ring mga pulitiko na kaibigan ng showbiz press ang nagparamdam, at feel na feel ng lahat ang kanilang sincerity.

Hindi ko malilimutan na unang-una na nagtanong sa writers kung kumusta na sila at kahit paano ipinadama na nandiyan lang siya kung kailangan ng tulong ay si Alden Richards.

Marami akong narinig na story kung paano niya tinulungan ang alam niyang mga nangangailangan ng tulong, at hindi ito alam ng marami.

Malalaman mo na lang dahil hindi rin mapigilang magpasalamat ng tinulungan. No wonder, ganoon ang suwerte ni Alden, ganoon kalapit ang grasya sa kanya dahil marunong siyang mag-share.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with