Sanya ibinida kung paano magluto ng ramen

Sanya
STAR/ File

May bago na ring kinahihiligan ang Kapuso star na si Sanya Lopez ngayong naka-quarantine! Sa kaniyang latest vlog, ibinida ng aktres ang kanyang skills sa kusina sa pamamagitan ng pagpe-prepare ng paborito niyang ramen!

Pupuwede pa lang ma-enjoy ang sikat na pagkain na ito kahit na sa bahay lang. Tinuro ni Sanya kung paano niya inihanda ang ramen broth, noodles, at egg na kagaya at kasing-sarap ng mga nabibili sa Japanese restaurants. Mapapanood ang kabuuan ng kanyang video sa YouTube channel ni Sanya.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Sanya bilang Sangg’re Danaya sa rerun ng Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Show comments