TV5 handang ampunin ang mga Kapamilya

Manny Pangilinan

MANILA, Philippines — Speaking of TV5, hinihintay kung sino ang mauunang Kapamilya stars ang mapapanood sa TV5.

Actually, hindi lang naman daw mga artista ang handang bigyan ng trabaho ng network.

Ito ay matapos sabihin ni Mr. Manny Pangilinan na palalakihin uli nila ang entertainment shows ng ag-aari niyang network.

“We are revving up our entertainment content creation and will need creatives, talents, directors, scriptwriters, cameramen, etc.

“If these are willing and able to work with us, we’re prepared to offer alternative jobs for the relevant displaced workers over time,” pahayag ni Mr. Pangilinan sa interview ng Philippine Star the other day.

More than 11 thousand stars and employees ang nawalan ng trabaho matapos ngang ‘barilin’ sa congress ang franchise renewal ng ABS-CBN kaya tiyak na maraming nangangailangan ng trabaho ngayon.

Show comments