^

PSN Showbiz

Baby Talitha mahusay na agad mag-memorize!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Baby Talitha mahusay na agad mag-memorize!
Pauleen, Talitha at Vic

Alam mo ba, Salve, kung bakit ang talino ni Talitha Sotto? Kasi talagang nasa kanya ang buong atensyon ni Pauleen Luna at hands on din si Bossing Vic Sotto sa pag-alaga sa kanyang anak.

Ito iyong difference pag napi-feel ng bata ‘yung love at presence ng parents niya, nagkakaroon siya ng confidence at certain aura ng isang tao na feeling loved.

Imagine, sa ganyang edad nagre-recite na siya ng planets, marunong na rin gumamit ng musical instrument at meron na ring wido sa tono. Makikita mo rin sa tuwing kasama ang pamilya kung gaano ka-close si Talitha sa mga magulang niya.

One thing na very proud ako kay Pauleen is iyong effort niya to be a good wife and mother inspite of being a young one.

This Sotto family is a happy one, a heaven for a young girl like Talitha.

Congrats and stay happy, Pauleen.

Rhian nagpaka-busy

Ang saya ko dahil ilalabas ulit ‘yung Koreanovela na Stairway to Heaven na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. Sila ang mga bida sa Tagalog adaptation ng very popular Koreanovela na Stairway to Heaven na talaga namang nagpaiyak sa marami noon.

At nung minsan ay nagkaroon ng online chitchat si Rhian with her fans.

Bongga ha. busy si Rhian kahit lockdown.

Showbiz hindi pa alam ANG kapalaran sa new normal

Bilang isang manager ng mga artista, nasa panic mode din ako dahil hindi ko alam ang future na naghihintay sa aking mga alaga during this uncertain time.

Hindi lang concerts o big events ang nakikita mong affected habang walang pang vaccine for COVID-19 dahil malaki rin ang nagiging impact nito sa  TV at pelikula.

Meron pa kayang magaganap na tapings, shootings or photoshoots? Ano kaya ang magiging bagong patakaran sa paggawa ng mga shows?

Ano na ang new normal sa showbiz?

Maibabalik pa naman sa dati iyong mga busy schedules kung magkakaroon na ng cure sa coronavirus. Pero habang wala pa, walang nakakaalam kung ano ang magiging kalakaran.

Let’s just wait and see, and hope for the best.

vuukle comment

TALITHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with