^

PSN Showbiz

Vietnam wagi rin sa virus!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang liit ng Vietnam at hindi naman ganun kalinis ang paligid pero kahanga-hanga na kahit isa ay wala silang record ng death o namatay dahil sa covid 19.

Sobra siguro talaga ang disiplina nila para makaligtas sa pandemic.

Hindi naman siguro mas above class ang hospitals nila sa US pero bongga na talagang walang namatay sa kanila.

Iyon lang manalo sila sa laban against US, maloloka ka na, pati China walang nagawa sa kanila. Kahanga-hanga sila ha, parang inborn ang pagiging warrior spirit nila.

At hindi mo malimutan iyon kabaitan nila sa mga fisherman natin na na-bully sa dagat ng mga Chinese.

Patunay na mabait sila by nature. Naku ha , parang gusto ko na naman maging Vietcong sa next life ko, baka palitan ko na ang pagiging Korean royalty   pero forever nandun pa rin ang Pinoy blood ko, hah hah kahit pa iba na ang nationality ko sa second coming. Bongga.

Max naghahanda na sa panganganak sa bahay

Ang suwerte ng mga new mother na inabutan ng lockdown ha. Meron silang matagal na panahon para sa kanilang mga baby.

Like Anne Curtis at Solenn Heussaff. Two months na talagang hands on iyon pag-aalaga nila dahil wala muna silang trabaho, walang distractions, talagang tutok lang sa baby. Takot naman ang manganganak tulad ni Max Collins dahil nga sa covid 19 kaya mas gusto niyang sa bahay manganak.

Inayos na nila ang bahay nila para dun siya manganak sa first baby nila ni Pancho Magno.

Bongga talaga ang experience mo dito sa pandemic. Big deal talaga para maiwasan.

Hay naku, hanggang kailan kaya itong panakot ni coronavirus ?

‘Mental challenge’

Sure ako na maraming inggit sa basket of flowers and fruits na binigay sa akin ng favorite florist ko na sila Gary at Jullie ng Lighthouse Blooms and Flowers. Binigay nila sa akin to make me feel good dahil nabasa nila sa IG na nagkakaroon na ako ng anxiety sa tagal ng lockdown. Hah hah. Talagang relate sila sa mga post ko ng mga kagagahan na napi-feel ko kahit ako naman ay isang matandang babae na 73 years old at erratic na ang moods swing.

Minsan enjoy ako sa sobrang tulog, minsan naman disoriented ako at minsan naiinip ako na buti nga aside from diversion naging emotional outlet ko ang IG. Kaya lang akala ko space ko ito, pero pag hindi naintindihan iyon thoughts and words ko, at nagi-
ging unfair ang comments, najo-jolt ako. Pero nami-mental challenge ako sa iba-ibang comprehension level ng tao. Ok na lang, tanggapin na, after all, pag meron mga tao na love ka feeling mo you have done something right. Thanks Jullie and Gary, the flowers made my day.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with