^

PSN Showbiz

Takot nang ma-Quiboloy? Vice ayaw nang makipag-away, mas gustong magdasal!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Takot nang ma-Quiboloy? Vice ayaw nang makipag-away, mas gustong magdasal!
Vice

Kung apaw ang galit ni Coco Martin sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN, kalmado naman ang mga pahayag ni Vice Ganda sa kanyang Twitter account tungkol dito.
Walang pang-aaway na nagaganap.

Kabaliktaran kay Coco na talaga namang wagas ang galit sa mga nagpasara sa ABS-CBN kung saan more than five years nang no. 1 sa primetime slot ang serye niyang Ang Probinsyano hanggang matigil nga ang pag-ere nito sa dahil enhanced community quarantine. “At tama ka naman na dapat ilaban ang dapat ilaban. Pero tulad ng sinabi ko may iba’t iba tayong pamamaraan bilang magkakaiba tayo ng pagkatao. Gayunpaman ang mahalaga lumalaban tayo sa tamang paraan. (P.S. di tayo magkaaway ha.),” ang reply ni Vice sa isa niyang follower.

Dagdag pa niya : “May kanya kanya tayong pamamaraan ng paglaban. May iba dinadaan sa galit o away. May iba dinadaan sa payapang paraan. May iba dinadaan sa pagbibigay ng tamang impormasyon, etc. But pls don’t underestimate the power of prayers. Undersestimating prayers is underestimating God.”

Baka nga careful na si Vice sa mga sinasabi niya dahil maalalang bumuwelta siya noon kay Pastor Apollo Quiboloy nang kontrahin niya ang sinabi ng Pastor na pinatigil niya ang lindol sa Mindanao na ginawang joke ni Vice sa It’s Showtime. “Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan… so ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano, Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!,” banggit noon ni Vice. Bukod pa sa joke niya na patigilin nito ang traffic sa EDSA.

Tinanggap ng Pastor ang challenge na ‘yun ni Vice. “When do you want it stopped? One month? Two months? Four months? You choose. Maybe in four months it’s not just ‘Probinsyano’ that comes to a stop, maybe it’s your network, too.” 

Kaya siguro si Vice ngayon, maingat na dahil sabi nga ‘be careful what you wish for, you may get it.’

Two years ago nang magkaroon ng falling out sina Vice and Coco pero pero last December ay nagkaayos na sila.

Anyway, bago ang covid-19 crisis, nag-babu na sa TV ang Gandang Gabi Vice, at papalitan sana ng Everybody Sing.

 

VICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with