^

PSN Showbiz

Angel nagsalita sa naantalang kasal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angel nagsalita sa naantalang kasal!
Richard & Angel

Maganda ang turnout ng Facebook streaming ng tatlong pelikula ng Regal Films na ipinalabas nung nakaraang Biyernes.

Naunang ipinalabas ang Happy Together nina Kris Aquino at Eric Quizon. Pero bago ‘yan, nakipag-chat muna sa FB live si Eric at sumunod naman si direk Joel Lamangan na kung saan pinag-usapan nila kung paano katrabaho si Kris. Proud si direk Joel na napaarte niya rito si Kris at nagka-best supporting actress award pa sa dinirek din niyang Mano Po.

Kinahapunan ay ang pelikula namang You To Me Are Everything nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kung saan masaya rin silang nakipag-FB Chat ng live sa fans nila na dumagsa roon.

Nakakatuwang pag-usapan ang mga niluluto ni Marian at kung ano ang paborito ni Dingdong sa mga niluto niya.

Ibinahagi rin ng mag-asawa ang pag-alaga nila kina Zia at Ziggy na adjusted na rin sa Enhanced Community Quarantine.

Ang last na pinanood na umani rin ng napakaraming views at likes ay ang I Will Always Love You na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Ang saya rin ng tsikahan nila sa live chat at doon nga napag-usapan ang quarantine wedding nina Richard at Sarah Lahbati.

Itinuloy pa rin daw nila kahit sila-sila lang ang dumalo at napakasimple nito, na pinuri ni Angel dahil napaka-sincere raw ng dating.

“To follow na lang ang actual wedding,” pakli ni Richard na ikinatuwa rin ni Angel dahil puwede pa rin daw pala ang ipinatahi niyang damit.

Ngayong naka-quarantine ang lahat, nagkaroon daw sila ng sapat na panahon sa pamilya, lalo na sa dalawa nilang anak. Ang gagaling na raw magluto ng karamihan sa kanila at si Richard na raw ang tagatikim.I think that’s one good activity na puwedeng ma-unlock sa mga tao na mahilig magluto o mahilig sa pagkain. Lalo pang gumaling magluto di ba?

Ako lang ang official taster,” napapangiting pahayag ni Richard.

Binuweltahan naman ni Richard si Angel ng tanong kung kailan na ang kasal. Alam mo naman Chard na hindi ko pa puwedeng sabihin di ba?” sagot ni Angel. Pero naantala nga raw ngayon ang preparasyon nila ni Neil Arce dahil sa ECQ gawa nitong COVID-19.

Ayaw naming sabihin na postpone. Kasi iyun ang pinaka-importanteng araw sa amin eh.  Nagpahinga nga kami sa trabaho namin para matutukan namin ang wedding.

Kaya lang of course, lockdown pa. Hindi naman namin puwedeng i-risk di ba? Hindi pa naman namin alam kung ano ang mangyari,” dagdag na pahayag ni Angel.

Tinanong na rin si Angel tungkol sa balak na posibleng pagpasok sa pulitika, kaagad niya itong itinanggi. Aniya; Public servant naman po kaming mga artista eh. Bilang ang buhay namin sa public.

Lahat naman po ginagawa namin hindi lang para sa sarili namin, kasi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao.

Pero politics, sobrang hindi talaga. Wala sa isip ko yun,” deretsong pahayag ni Angel.

Hiniritan naman siya ni Richard na isa siyang good leader na kinontra ito ng Kapa­milya actress na mas good follower daw siya.

Nakikita mo ang sincerity sa mga sinasabi ng dalawang bida ng I Will Always Love You lalo nang binalikan nila ang pagsasama nila sa trabaho.

Bukas daw sila sa ideyang magsama uli sa isang movie project, basta maganda lang ang script at bagay sa kanila.

Sana masundan pa itong pa-FB streaming ng Regal, sa dami ng mga magaganda nilang pelikula at muli itong pag-usapan ng mga bidang artista.

Jaclyn binunyag ang katrabahong aktor na lasing at nagsuka sa taping

Ang ganda rin ng Facebook live chat ng mga magagaling na aktres sa Actor’s Cue na binuo ni direk Adolf Alix nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Ang saya nang balitaktakan nina Lorna Tolentino, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, Sandy Andolong at Gina Alajar.

Ang gandang pakinggan nang sariwain nila ang mga ginawa nilang pelikula noon na maituturing na classic na talaga at maganda pa ring panoorin ngayon.

Napag-usapan din ang working habits ng mga co-artist nila, at nakakaintriga ang pasabog ni Jaclyn tungkol sa isang artistang pinagsabihan niyang kaya walang nangyayari sa industriya natin dahil sa kagaya mo!”

Dumating ba naman daw sa set ng lasing at nagsuka pa, kaya naantala ang taping nila dahil sa artistang ito.

Ang nakakatuwa lang sa kanilang pag-uusap na ang halos iisang aktor ang gusto nilang makatrabaho, si Alden Richards. Puring-puri ni La Oro si Alden na katatapos lang nilang gawin ang The Gift.

Agree naman silang lahat, at gusto nga nilang makatrabaho ang Asia’s Multimedia Star.

Ngayong araw pala ay babalik na si Alden sa FB Live streaming ng All-Out Sundays. Nagpahinga lang pala siya nung nakaraang Linggo dahil naging abala siya sa pagbubukas ng take-out ng McDo at inaayos pa niya ang Concha’s niya kasama ang mga partners nito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with