^

PSN Showbiz

John Lloyd umaming na-miss si Bea!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd umaming na-miss si Bea!
John Lloyd

Baka raw me destiny

Nabuhayan ng pag-asa ang followers nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo.

Ito ay matapos silang magsagutan sa Instagram account ng actress as if ngayon lang nakita ni John Lloyd na may ganung post ang original na ka-loveteam.

Parehong single sina John Lloyd and Bea sa kasalukuyan kaya wish ng kanilang followers, sana sila na lang.

Of course, si John LLoyd ay common knowledge na hiniwalayan ni Ellen Adarna matapos ang three years nilang affair na nagbigay sa kanila ng isang anak, habang si Bea ay na-’ghosting’ kaya single na uli.

May 2013 post pa si Bea na nag-comment si John Lloyd at doon sila nagpalitan ng mga comment.

Part kaya ito nang grand comeback ng actor pagkatapos talikuran ang showbiz nang ma-in love kay Ellen?

Basta ang wish ng fans nila, sana sila na lang this time. Baka raw kasi destiny ito. As in sila ang magkapalaran.

Kumpirmado nga na may project silang gagawin - pelikula kung hindi nagka-covid-19. Na matutuloy siguro pagkatapos ng pinagdaraanang krisis hindi lang naman sa ating bansa kundi sa buong mundo dahil sa novel coronavirus na kahit daw ma-flatten na nga ang curve ay kinakailangan pa rin ang social distancing.

Paano nga naman makakapag-shooting ang pelikula na may social distancing?

Hindi rin diumano agad papayagang buksan ang mga sinehan kung saka-sakali dahil nga mas malaki ang chance doon ang mabilis na pagkalat ng covid-19.

Though ngayon daw meron tina-target na digital project sina Bea and John Lloyd.

Anyway, maging ang drama series ay malabo pa ring mag-resume kaagad sakaling ma-lift na enhanced community quarantine.

Masuwerte lang talaga ‘yung mga nakapag-ipong artista pero malungkot ang ibang mas inuna ang pagko-collect ng mga branded bag na milyones din ang halaga.

At this point in time, saan mo nga naman gagamitin ang mga Hermes bag o ang mga sapatos na halos P100,000 ang presyo ng isang pares.

May mga nakaipon naman pero na-invest din sa negosyo so in a way hindi siya solid ang hawak nilang pera.

Maraming mga artista ang nag-invest sa mga salon, restaurant, coffee shop, etc. na ngayon ay malabong kumita ang mga nasabing negosyo dahil nga sa health crisis.

vuukle comment

BEA ALONZO

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with