Kuha ni Sylvia Sanchez at wedding photo nila ng mister na si Art Atayde.
Mula sa Instagram accounts nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde
Sylvia Sanchez, Art Atayde gumaling sa pulmonya matapos magka-COVID-19
James Relativo (Philstar.com) - April 8, 2020 - 5:52pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng anak ng "Pamilya Ko" lead star na si Ria Atayde na tuloy-tuloy na ang pag-igi ng lagay ng kanyang mga magulang matapos tamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Ibinahagi ng nakababatang aktres ang update sa lagay nina Sylvia Sanchez at mister na si Art Ataye sa panayam mensaheng ipinadala sa Starstudio.ph.

"[W]e have been told that our parents’ lungs are finally cleared from pneumonia. Another test has been done to see if they’re negative for COVID-19 before they can finally go home," ayon kay Ria.

"We continue to ask for prayers as they are not out of the woods just yet."

Muli naman siyang humingi ng pasasalamat sa lahat ng nagpakita ng kanilang pagmamahal at suporta sa kanilang pamilya sa gitna ng pinagdadaanang unos.

Unang isiniwalat ni Sylvia ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan noong ika-31 ng Marso, kung saan  sinabi niyang nagpositibo sila sa sakit matapos makaranas ng panlalamig, pag-ubo at mababaw na paghinga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hi everyone On March 24, my husband and I were brought to Cardinal Santos as I was having chills and he had cough and shortness of breath. We were made to take the covid-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated. A week later, we finally received the results and we both came out positive for COVID19. We would like to request those whom we saw prior to the community quarantine to monitor for symptoms of shortness of breath, cough, fever, LBM and sore throat. Art and I are getting better each day. Although this is slower than our usual recovery, we know that with prayers and strict compliance with our doctor’s orders, we will get there. Until then, we will keep you updated on how this progresses. Stay safe, healthy and take your 1000mg of vitamin C and 20mg of zinc daily! Most importantly, stay home to help prevent the spread of the virus. ??????????

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on

Bukod kay Ria, anak din nina Sylvia at Art ang aktor na si Arjo Atayde.

Una nang tinamaan ng COVID-19 sina Christopher de Leon at Iza Calzado, na malaon ay gumaling din.

Kailan lang din nang ibahagi ng GMA broadcaster na si Howie Severino kung paano niya nalusutan ang nakamamatay na sakit.

ART ATAYDE NOVEL CORONAVIRUS RIA ATAYDE SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with