Spanish Princess ang first victim ng coronavirus na member ng royal family.
Ayon sa report ng eonline.com, namatay si Spanish Princess Maria Teresa de Borbón-Parma dahil sa Coronavirus complications.
Ang younger brother ng prinsesa ng Spain ang mismong nag-announce ng nangyaring trahedya sa kanilang pamilya ayon sa report ng eonline.
“On this afternoon… our sister Maria Teresa de Borbón-Parma and Borbón Busset, victim of the coronavirus COVID-19, died in Paris at the age of eighty-six,” na ang kino-qoute ay si Prince Sixtus Henry of Bourbon-Parma, ang Duke of Aranjuez.
Nauna nang nag-positive sa covid-19 ang Prince of Monaco na si Prince Albert at si Prince Charles of Wales.
Anyway, mas marami pang nag-i-infect ng covid-19 sa buong mundo na nangunguna ang US, Italy, Spain, Germany and France.