Julia hubad sa kanyang 23rd birthday!

Julia

Topless si Julia Barretto sa kanyang 23rd birthday kahapon.

Palaban na rin ang anak ni Marjorie Barretto base sa kanyang birthday post sa social media.

“23.

In this chapter in my life, I am FREE.

Free to speak.

Free to act.

Free to feel.

Free to love.

Because this time, I am choosing ME.”

Kaya naman nag-trending ang young actress na naging controversial sa ‘ghosting’ issue noon kina Gerald Anderson and Bea Alonzo.

Bukod pa ‘yun sa matinding gulo noon ng pamilya Barretto na siya ang napuruhan nang mamamatay ang kanyang lolo na si Mr. Miguel Barretto.

Nahaluan din ng nega factor ang hiwalayan nila ni Joshua Garcia na naramdaman ang epekto sa pelikula nilang kakapalabas pa lang na Block Z na semplang sa takilya.

Sa kasalukuyan ay nakakabawi-bawi na si Julia at bumabalik na sa normal ang career niya pero tuloy ang ‘salpukan’ ng pamilya Barretto na ang pinaka-huli nga ay nang ipangalandakan ni Claudine na mas mahusay na actress si Julia Montes kesa sa pamangking si Julia Barretto.

Show comments