^

PSN Showbiz

Bougainvillea sa daanan sa QC nakakabawas ng pollution

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bougainvillea sa daanan sa QC nakakabawas ng pollution

Tuwang-tuwa ako at mukhang napapansin na natin ang beauty at magandang epekto ng halamang Bougainvillea na sa Singapore halos buong city ay may nakatanim na ganito.

Nasulat ko na ito dati ang effect nito sa environment na ito ang nakakatulong para ang pollution ay mabawasan, very sturdy plant na hindi kailangan ang masyadong care at mabilis dumami. Ang ganda pa lalo at iba’t ibang kulay ang makikita mong variety nito.

Ewan ko ba, pero mas gusto ko bougainvillea kesa sa cherry blossoms.

Imagine kung lahat ng islands sa kalye natin ay merong tanim na iba’t ibang kulay ng bulaklak na ito, bawas pollution na, ang ganda pa.

Salamat nga kay Mayor Joy Belmonte dahil ibinalik niya ito sa island sa Quezon City hall na ewan ko ba kung bakit noon pa ay ay bougainvillea na pero palit ang palit ng kung anu-anong halaman nung panahon ni Herbert Bautista na buti ibinalik uli ni Mayor Joy Belmonte sa bougainvillea.

 Basta, mabuti na lang at ngayon ang dami ko nang nakikita na meron tanim nito. Bongga.

Surrogacy mas pinag-iinteresan dahil kina Scarlet, Pepe at Pilar

Dahil sa ganda nina Scarlet Belo, Pepe at Pilar Roxas, parang ang daming interesado sa surrogate mothering.

Maraming nagtatanong kung saan, magkano at ano ang gagawin para magkaroon ng isang surrogate mother at magkaroon ng babies na singganda at talino nina Scarlet, Pepe at Pilar.

Hay science talaga, masyado nang advance na hindi mo na alam kung mabuti ba o masama para sa tao.

Basta meron kang pera, parang ang dali ng lahat. Pero tulad nga ng sinabi ni Steve Jobs, lahat puwede mong ipagawa sa iba, maliban sa dalhin ang sakit ng sarili mong katawan.

Hindi lahat mabibili ng pera o magagawa nito, at sabi nga ni Steve Jobs the most expensive of all is your hospital bed.

Lucky rich Asians na puwedeng maka-afford ng surrogate mother, kahit pa nga sabihin mo na ang joy ng pagbubuntis, ay ang pagdadala ng baby sa loob ng nine months ay hindi mo naramdaman, basta ang baby ang most precious gift na maibibigay mo sa pamilya n’yo.

Magastos lang, pero lifetime happiness n’yo naman, tingnan mo how young looking si Dra. Vicki Belo at Korina Sanchez-Roxas.

‘Be beautiful with care’

Dahil sa rami ng mga beauty clinic ngayon Salve, dapat talaga mapili ka sa kung sino at ano ang gagawa at beauty procedures mo. May nabalitang clinic na naging dahilan ng pagkamatay ng isang pasyente nito.

Dapat talaga sa pagpili, kasama ang presyo, lokasyon ng clinic, at ang pangalan ng doktor sa mga consideration.

Mga certified clinic ang Belo, Flawless, House of Obagi, Kamiseta Skin, at sa beauty products naman, walang tatalo sa Beautederm at IvI Meth.

Dapat talaga maingat ka dahil ang mga bagay na ipagagawa mo sa katawan at mga iinumin mong gamot ay puwedeng maging delikado. Huwag basta mura ay doon ka, gusto mong gumanda kailangan ay gumasta ka pero dapat sure ka.

Kaya be beautiful, with care. 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with