^

PSN Showbiz

Parasite at Crash Landing… wini-wish na ‘wag gawan ng local adaptation

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Parasite at Crash Landing� wini-wish na �wag gawan ng local adaptation

K Drama, mas kinabaliwan ng mga Pinoy

MANILA, Philippines — Habang nagkakagulo ang buong bayan sa franchise renewal ng ABS-CBN at ng implementation ng bagong policy for movie and TV workers, ayun at mas lalo pang nababaliw ang maraming Pinoy sa Korean dramas.

Inabangan the other night ang ending ng Crash Lan­ding On You na massive ang dalang kilig sa mga nanonood dahil sa kakaibang kuwento, ganda ng production at apaw na chemistry ng mga bida na sina Ye-jin Son and Hyun Bin.

Sa mga hindi pa nakapanood, kuwento ito ng isang heiress na aksidenteng napadpad sa North Korea habang nagpa-paragliding. At isang North Korean officer ang promotekta sa kanya at doon nag-umpisa ang kanilang love story.

Ang laki ng production at ang ibang eksena ay kinunan pa sa Switzerland, kaya talagang sulit ang paghihintay sa bawat episode.

Titas of Manila ang karamihan sa na-hooked sa nasabing palabas na napanood sa Netflix since last year.

Maging sa Korea ay tinaob ng finale nito ang Goblin ni Gong Yoo na ayon sa mga report ay ito na ang highest ratings in tvN history.

Aside from the production, ang husay talaga nilang gumawa ng kuwento. Ang galing ng story telling na buhay ng isang drama o pelikula. Though may corny factor din naman sa bandang ending. Pero ang kakabilib ang execution - kung paanong na-handle ang isang love story sa gitna ng matinding conflict sa South and North Korea.

Pero tayo, paano pa mas makikilala abroad kung distracted ang trabaho dahil sa mga ganyang kaganapan na mas gumugulo lalo na at ang daming issue ni Mr. Robin Padilla na parang nakalimutan atang naging Kapamilya rin naman siya? Bakit hindi siya noon nagsalita na may mga issue pala siya sa mga sinasabing maliliit na manggagawa?

Sa mga pangyayari ngayon, parang mahihirapan ang movie and TV industry natin na makahabol sa Koreans na ang goal obviously ay maka-penetrate sa buong mundo.

Imagine ang pelikulang Parasite nag-uwi ng maraming awards mula sa prestigious award gi­ving bodies sa buong mundo na parang Pinoy ang kuwento.

Ka-afraid naman baka tuluyan nang maka-take over ang Koreans sa TV and movie industry natin.

Uy sana rin ay ‘wag namang magkaroon ng local adaptation ang Parasite and Crash Landing On You, please. Hindi na makatarungan ang ganun.

Hanap din sana ang mga writer natin ang unique na story at ‘wag ma­ngopya na lang at magpaka-artsy.

vuukle comment

KOREAN DRAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with