Alden hindi napiga sa ginawa nila ni Bea sa abroad

MANILA, Philippines — Bawal na bawal pang banggitin kung anong product ang ie-endorse nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Ayon kay Ms. Gigi Santiago-Lara, manager ni Alden, ‘baka ma-demanda kami. Bawal pa talaga,”  nang kinukulit namin kahapon bago ang press conference ng Centerstage tungkol sa naging biyahe nila sa Bangkok.

Pero ang isang sigurado si Alden, nababaitan siya sa Kapamilya actress kaya looking forward daw siya sakaling makatrabaho niya ito sa pelikula.

Tulad ng kanyang manager, hindi rin napilit si Alden na aminin kung anong endorsement ang ginawa nila ni Bea sa Thailand.

Show comments