^

PSN Showbiz

Vice desperado na sa show?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice desperado na sa show?!
Vice

Kinumpirma ng aming reliable source na malapit na palang magpaalam ang Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Maaring tanggap na nilang madalas silang natatalo sa rating ng The Boobay and Tekla Show nina Boobay at Super Tekla.

Kung anu-anong ginawa nila para kuwela lang panoorin pero olats pa rin sa masayang programa ng GMA 7.

Ang latest na nakuha pa naming kuwento, nakakasa na raw ang ipapalit na programa.

Ang title ng show ay Everybody Sing na hindi lang ako sure kung parang game show ba ito. Pero si Vice Ganda pa rin daw ang host.

Nung nakaraang Linggo, January 26 ay tumaas ang rating nila sa TBATS pero may mga nag-react sa ginawa nila kung saan parang napakadesperado na raw ang ginagawa nila para mapantayan lang nila ang katapat na show.

Meron pa silang ginawang kinain ni Arci Muñoz ang lollipop na nasa paa ng isang komedyante.

Nakakadiri na ang dating, kaya parang napagsabihan pa raw yata ng mga staff.

Barbie at Kate mahusay na sa Waray at Ilocano

Sina Barbie Forteza at Kate Valdez na ngayon ang napapanood sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Nakakatawa nga si Barbie dahil pagkatapos niyang mapanood ang pilot week nito na kung saan sina Lovi Poe at Max Collins ang napapanood, parang na-tense raw sila bigla dahil ang galing galing ng dalawa na sobrang convincing ang pag-portray bilang Ilocana at Waray.

“Sobrang bilib ako sa kanila kasi ang fluent nila sa Waray at Ilocano dialect. Lahat kami nag-take up ng short class ng dialect na ‘yon at ang hirap niya. Pero sa kanila, parang ang fluent-fluent, natural talaga nilang na-deliver ‘yon. Sobrang na-pull off nila ‘yung characters as young Waray and young Biday. Naintindihan ‘nung mga tao kung bakit sila naging mortal enemies,” bulalas ni Barbie.

Kaya naman may pressure din sa kanila ni Kate na dapat believable rin ang pagka-Ilocana ni Kate at pagka-Waray ni Barbie.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with