Sharon naloko, gusto na halos magpakuha kay lord

Sharon

MANILA, Philippines — Sana pangalanan na ni Megastar Sharon Cuneta kung sino ang nanloko sa kanya.

Kating-kati na ang lahat na malaman kung sino ba talaga ang nagbigay sa kanya ng matinding sakit at umabot na sa puntong gusto na niyang kunin siya ni Lord kung wala lang siyang pamilya.

“My Mommy used to say: “You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.” Now I add: “ If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst. “God please help me to forgive. Such a betrayal. The kind na ayaw no makapatay, pero kung wala akong asawa at mga anak, idadasal ko na lang kunin na ako ng Panginoon sa sakit. And this, btw, is not an employee or a co-worker. And this is hopefully the last time I will have to vent and post about this,” buong post ni ate Shawie.

Show comments