^

PSN Showbiz

Aktor walang kupas ang kadamutan at kakuriputan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Aktor walang kupas ang kadamutan at kakuriputan
Kris

Isang grupo ng mga dating katrabaho sa ibang bansa ng isang kilalang male personality ang nag-uwian para dito magpalipas ng Pasko at Bagong Taon.

Nu’ng huling magpunta sa dati niyang pinagtatrabahuhan ang aktor ay nagbigay siya ng contact number. Kapag umuwi raw ang kanyang mga kaibigan ay kontakin lang siya para sama-sama silang makapamasyal.

Kuwento ng source, “Natural, masaya naman ang mga dati niyang katrabaho, at least, ipapasyal daw sila nu’ng male personality. So, nu’ng dumating na sila dito, e, ipinaalam na nila ‘yun sa kaibigan nilang aktor.

“Lima silang magkakasama, halinhinan din silang nagte-text sa male personality pero walang sagot. Nakakailang araw na sila dito, nagri-ring naman ang number na ibinigay sa kanila, pero hindi sila sinasagot ng friend nilang aktor.

“Hanggang sa mapagod na sila sa kakokontak, hindi na sila umaasang magkikita-kita pa sila, tulad ng pangako nu’ng male personality!” simulang kuwento ng aming impormante.

Bitin ang kanilang bakasyon, wala pa ngang dalawang linggo silang nanatili dito, kailangan na nilang lumipad pabalik sa ibang bansa dahil may trabaho na uli sila.

Kuwento uli ng aming source, “Isa lang ang nasabi ng tropa, wala pa ring pagbabago ang kanilang kaibigan, OPM King pa rin siya! Nag-iisa lang talaga siya!

“Ganu’n din pala kasi ang ginawa ng male personality na ‘yun sa ibang mga kaibigan nilang umuwi rin nu’n. Pinangakuan niyang ilalabas at ipapasyal, pero nu’ng nandito na ang mga balikbayan niyang kaibigan, e, deadmatology na siya!

“Wala siyang sinasagot na tawag, hindi rin siya nagte-text, as in, walang-wala siyang communication talaga sa mga kaibigan niya! Naisip na lang nilang lahat na wala pa ring ipinagbabago ang male personality.

“Takot pa rin siyang gumastos, sobrang kuring pa rin siya, tulad nu’ng nasa ibang bansa pa siya na umaasa lang siya sa invitation ng mga friends niya para lumabas sila!

“Hindi pala siya dumudukot nang kahit magkano kapag magkakasama sila, drink and eat lang siya, pero never siyang naki-share sa bill!

“Ipinaglihi kuno sa manok ang male personality na ‘yun na puro pakahig lang ang alam, hindi team player, puro pangsarili lang ang alam niya!

“Naku, araw-gabi siyang ganu’n! Kahit nu’ng kasikatan niya, araw-gabi rin siyang kuring, walang pakisama! Kaya siya nadedemanda ng mismong mga kapamilya niya!” inis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kris milyun-milyon ang nagagastos sa pagpapagamot

Napakalaki na pala ng nalalaslas sa bulsa ni Kris Aquino sa kanyang pagpapagamot sa Singapore. Pinakamahal na ospital ang kanyang pinagpapagamutan, kapag nandu’n siya ay naka-hotel ang kanyang mga anak, milyun-milyon ang binabayaran niya sa ilang linggong pagpapagamot lang.

Kunsabagay ay hindi naman ‘yun problema kay Kris, napakayaman niya, kayang-kaya niyang magpagamot sa kahit saang ospital sa buong mundo.

Harinawang natunton na talaga ng mga espeyalista ang pinagmumulan ng kanyang sakit, harinawang maging malusog na sana siya, dahil mawawalan ng saysay ang kanyang salapi kung hindi rin naman pala siya gagaling.

Kailangang-kailangan niyang bumalik sa dati niyang sigla dahil malay natin, baka magbago na ang pagkakasalansan ng kanyang mga bituin ngayong 2020 at bigla na siyang sumalang sa malakihang trabaho, kailangang maayos ang kanyang kalusugan kapag dumating ang pagkakataong ‘yun.

Walang nakakaalam ng bukas. Kung pinagpahinga man siya sa pagtatrabaho nang dalawang taon ay hindi imposibleng magkaroon siya ng panibagong masiglang career ngayong taon.

Sabi ni SOS, “Wish din po namin na makabalik na sa mainstream television si Kris. Sana nga, e, maging maganda ang 2020 para sa kanya dahil matalino siya, saka icon na siya, whether we like it or not.”

Na sinasang-ayunan namin. Hawak pa rin ni Kris Aquino ang trono pagda­ting sa paghawak ng magazine at talk shows. Kanyang-kanya pa rin ‘yun.

Dagdag naman ng kaibigan naming propesor, “Kailangan na niyang magtrabaho, hinahanap ng system niya ‘yun. Kaya kung anu-ano ang nararamdaman niya ngayon, e, dahil hindi busy ang utak at katawan niya.”

Mismo!

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with