^

PSN Showbiz

Nangongolekta na ng mansyon Derek libre nang pakasalan si Andrea!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Nangongolekta na ng mansyon Derek libre nang pakasalan si Andrea!
Derek & Andrea

Ang hilig pala talaga sa malaking bahay ni Derek Ramsay dahil hindi lang ang ipinapatayong bahay sa Metro Manila ang malaki, as in huge at may malaking garden pa nga outside his parents bedroom para hindi raw ma-miss ng mga ito ang bahay nila sa Tagaytay City.

Pati ang bahay nila sa San Vicente, Palawan ay malaki rin. Napanood namin ang video ni Derek habang nasa Palawan noong New Year at makikita ang laki ng bahay. Parang hindi sanay sa maliit na bahay ang aktor. Hahaha!

Hindi nakasama ni Derek ang GF niyang si Andrea Torres sa Palawan dahil ang kanyang pamilya ang kasama ni Andrea noong New Year, pero bumawi ang dalawa pagbalik ni Derek. Super sweet sila sa IG story ni Derek na kung saan, mapapanood na panay ang halik ni Derek kay Andrea.

Samantala, nilinaw na ni Atty. Joji Alonso na matagal nang annulled ang marriage ni Derek sa mother ng anak niyang si Austin. Ibig sabihin, kung si Andrea na ang gustong pakasalan ni Derek, anytime na gustuhin niya, walang magiging problema dahil single na siya.

Walang saysay kung ganu’n ang mga sinasabing paninira ng bashers kina Derek at Andrea na kaya hindi ipinapa-annul ni Derek ang marriage sa first wife dahil wala siyang balak magpakasal.

Enrique at Liza, umamin na sa forever

Isa pang couple na nagpapakilig hindi lang sa kanilang fans ay sina Enrique Gil at Liza Soberano. Umabot agad ng hundred of thousands ang likes sa pinost ni Liza na photo nila ng BF habang nasa yate.

To think na “Fave travel buddy forever” lang ang caption ni Liza, pero kinilig na ang kanilang fans. Pati nga pala mga kapwa artista ng dalawa kahit taga ibang network, kinikilig at gusto sina Liza at Enrique.

Waiting na ang fans nina Liza at Enrique sa airing ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN na Make It with You na ang title ay mula sa isang hit song ng Bread. Pustahan tayo, magiging uso uli ang songs ng Bread dahil sa teleserye ng LizQuen.

Alden hindi pinagkukuriputan ng fans

Isyu pala sa ibang bashers ni Alden Richards ang birthday cakes na ibinigay ng fans sa 28th birthday ng aktor. Bukod sa kokonti raw ay maliliit pa, kumpara sa cakes na ibinibigay ng ibang fans sa ibang celebrities.

Ang pantapat ng fans ni Alden sa pang-ookray sa supporters nito ay ang four LED birthday greetings nila sa aktor. First time na may local celebrity na may ganu’ng pa-birthday. Hindi na pala uso ang birthday cakes, digital greetings na ang uso at mahal ‘yun.

Nabasa namin ang computation sa four LED videos na simultaneously tumakbo, pero dahil hindi pa kumpirmado, hindi muna namin isinulat. Basta, mahal ‘yun at maraming cakes kung cakes ang binili at ibinigay kay Alden.

Speaking of Alden, may birthday concert siya this Saturday sa Enchanted Kingdom and produced ng Enchanted Kingdom. Kabilang sa kanyang guests si Ysabel Ortega who portrays his sister in The Gift at ang dati niyang love interest sa drama series na si Thia Thomalla.

Ang iba pang projects ni Alden for 2020 ay ang July 25, 2020 concert niya sa Smart Araneta Coliseum at ang pagho-host ng Centerstage, ang singing competition for children.

vuukle comment

DEREK & ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with