Coco & Angelica
Coco, kabado kay Angelica
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2019 - 12:00am

Sa susunod na taon ay magkakatambal sa pelikulang Love or Money sina Coco Martin at Angelica Panganiban. Romantic-comedy ang magiging tema ng kauna-unahang proyektong pagtatambalan ng dalawa.

Aminado si Coco na nakararamdam siya ng kaba dahil muling magpapakilig sa isang pelikula. Matatandaang si Toni Gonzaga pa ang huling nakatambal ng aktor sa You’re My Boss noong 2015 sa isang romantic movie.“Kasi bagong kombinasyon, and definitely ‘yung project, ibang-iba sa Probinsyano. Kasi ang tagal ko na sa Probinsyano eh. Ngayon excited ako kasi magbabalik ako sa drama. At the same time si Angge, napakagaling na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin,” naka­ngiting pahayag ni Coco.

Ngayon pa lamang ay sobrang excited na rin ni Angelica dahil ito ang kauna-unahan nilang pagtatambal ng aktor. “Siyempre ang tagal natin siyang nakikita sa Probinsyano. Nag-Probinsyano ako pero sandali lang, isang buwan lang. So iba rin ‘yung magiging experience na makagawa ng movie together. Ibang flavor naman ang gagawin niya. Iba rin ang maio-offer namin,” paglalahad ni Angelica.

Kahit halos araw-araw ang taping ng teleser­yeng FPJ’s Ang Pro­binsyano na pinagbibidahan ni Coco ay naglaan na umano ng panahon ang aktor para maisingit ang shooting ng bagong pelikula.

Lani

Lani gustong mag-reach out sa mga kabataan

Isa nang ganap na Kapamilya si Lani Misalucha. Noong Martes ay pumirma na ng kontrata ang singer sa ABS-CBN Music. Isang bagong album ang nakatakdang ilabas ng Asia’s Nightingale pagpasok ng bagong taon. Mapapanood si Lani sa mga susunod na linggo sa ASAP Natin ‘To at It’s Showtime para sa promotion ng single na I Can’t Give Anymore. “Iyon ‘yung maganda sa sitwasyon ko, pwede ako kung saan man,” bungad ni Lani.

Nangangarap ang singer na madaragdagan pa ang mga    tagahanga sa ginawang pagbabalik sa bakuran ng ABS-CBN.

Taong 2014 nang ilabas ni Lani ang album na The Night­ingale Returns sa pamamahala rin ng ABS-CBN Music. “Hindi maiiwasan na magna-narrow ‘yung reach mo sa public. Unang-una, ‘yung type of music that I do, merong specific na market na nata-target. What we’re trying to do now is to reach out to young people through social media. We’re also doing a type of song na mas makaka-relate ang mga kabataan,” paliwanag ng Asia’s Nightingale. (Reports from JCC)

 

ANGELICA PANGANIBAN COCO MARTIN LANI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with