Paskong Pinoy laging masaya!

Marian & Rhea

Kaloka ang Christmas decors na mabibili sa S&R dahil may fresh pine trees, lighted trees at naloka ako sa dami ng Christmas wreaths na naka-display Salve.

Ang pine cones na nagkalat sa Baguio na gustong-gusto ko, bongga ang malaking version sa S&R.

Nang makita ko ang Christmas items ng S&R, naka-feel ako ng pinch in the heart, paano na ‘yung mga naging biktima ng malakas na lindol sa Min­danao na nawalan ng mga tahanan?

Inisip ko na lang ang ugali ng mga Pinoy na kahit ano pa ang mga nangyayari, we will overcome with a light heart.

Na kung anuman ang meron tayo, maligaya tayo at basta Pasko, masaya tayo. Ang ugali natin na mga Pinoy na keber lang, nandiyan na at wala nang magagawa ang madalas na panlaban natin sa lungkot kaya merry pa rin ang ating Pasko, sa kabila ng lahat.

Birthday ni Rhea dinagsa ng mga endorser ng Beautederm

Dagsa ang lahat ng ambassadors at friends ni Rhea Tan ng Beautederm na nagdiwang kahapon ng kanyang 40th birthday.

Ang mabait na asawa ni Rhea na si Papa Sam ang punong-abala sa birthday celebration ng reyna ng Beautederm na one whole day affair din ng mga sales representative, beauty ambassadors, friends from the press at ng pamilya ng mag-asawa.

Hay naku, after the affair pagod na pagod na naman si Mylene Timbol, ang ever trusted assistant ni Mama Rhea na feeling ambassador din ng Beau­tederm. I love you Beautederm.

Socialite nakuha ng controversial businessman

Isang socialite ang natsitsismis na bagong girlfriend ng isang controversial businessman. Hindi stranger sa kontrobersya ang socialite dahil talk of the town din noon ang kanyang lovelife.

Puro blind item pa lang ang mga nababasa ko pero sooner or later, tiyak na papangalanan din ang mga sangkot na personalidad sa juicy news dahil may involved na artista sa kuwento.

Maghintay-hintay na lang tayo dahil walang lihim na hindi nabubunyag, lalo na kung may koneksyon sa showbiz ang isa sa mga starring sa juicy blind item.

Malay natin, baka ang showbiz personality pa ang magsalita at mag-deny tungkol sa balita na pinagpipistahan ng mga socialite.

Arnell malungkot sa nangyari sa Damaso

Nakikiusap si Arnell Ignacio sa theatre owners na huwag munang i-pull out sa mga sinehan ang Damaso, ang pelikula na pinagbibidahan niya para mapanood ito ng mga estudyante.

Sana, mapagbigyan ng theatre owners ang apela ni Arnell na minsan na nga lang magbida sa pelikula, natsugi pa agad sa mga sinehan.

Kitang-kita ko pa naman ang excitement sa mukha ni Arnell nang dumalo siya sa presscon ng Damaso. Ipinarinig pa niya ang ilang linya ng isa sa kanyang mga kanta para sa pelikula.

Isang historical movie ang Damaso kaya hinihi­ling din ni Arnell sa Department of Education na suportahan ang kanilang pelikula.

Show comments