Dayanara
Dayanara bumubuti na ang cancer
Ruel Mendoza (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapang na nilabanan ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres ang sakit na cancer. At kahit na dumaan siya sa masidhing gamutan para mapuksa ang natamo niyang skin cancer, nanatiling positibo si Yari sa tulong na rin ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang dalawang anak na sina Ryan and Cristian.

Ngayon ay masigla na ulit ang former beauty queen from Puerto Rico at isa siya sa naging host ng Latin Grammy 2019 na ginanap sa Las Vegas noong nakaraang November 14.

Natuwa nga ang mga nakasama ni Yari sa entablado sa magandang improvement sa kanyang kalusugan. Kabilang sa mga nakasama niya bilang host ng Latin Grammy ay sina Ricky Martin, Roselyn Sanchez and Paz Vega.

At ang magandang sorpresa kay Yari ay ginawaran siya ng Latin Recording Academy bilang isa sa Leading Ladies of Entertainment para sa taong 2019.

Isa si Yari sa tumutulong na mag-raise ng funds para sa Latin Grammy Cultural Foundation.

Selena Gomez ipinagtanggol si Taylor Swift sa pambu-bully ng manager ni Justin Bieber!

Kabilang si Selena Gomez sa dumepensa sa singer na si Taylor Swift dahil sa ginawang pambu-bully ulit ng manager ni Justin Bieber na si Scooter Braun at ng Big Machine executive na si Scott Borchetta.

Naglabas ng kanyang disappointment si Taylor dahil hinarang nina Braun at Borchetta ang paggamit niya ng kanyang mga naging hit singles sa American Music Awards kung saan gagawaran siya ng Artist of the Decade.

Si Braun kasi ang bumili ng buong music catalog ni Taylor mula sa Big Machine sa halagang $300 million. Nag-post si Selena ng kanyang suporta kay Taylor sa pag-post nito ng mahabang mensahe sa Instagram:

“My heart is so heavy right now. It makes me sick and extremely angry. (I don’t mind if there may be retaliation) this is my opinion.

“It’s greed, manipulation and power. There is no heart or thought of anyone else.  No respect for the words my friend has written since she was a 14 year old in her bedroom. You’ve robbed and crushed one of our best song writers of our time an opportunity to celebrate all of her music with fans and the world.

“I have known Taylor for 13 years. She is the most dedicated, fearless, fiesty [sic], strongest woman I’ve ever know. People can say b**ch but what I’m saying to you is that’s called a woman with true identity and strength who takes no s**t.  I listened to Fearless before it came out and I just remember us jumping on a bed and she was just sparkling -- so proud of her diary being read by the whole world.

“Nervous of people not liking it... but that became one of the biggest records -- an album that saved so many young woman [sic] who felt alone. Have a broken heart. Who were healing. Those who felt invisible. Gave a voice to those who didn’t know that they had one all along. Believing in dreams again,” bahagi ng post n Selena.

Ang iba pang sumusuporta kay Taylor ay sina Gigi Hadid, Halsey, Camila Cabelo, Shawn Mendez, Ed Sheeran, Ruby Rose at marami pang iba.

 

DAYANARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with