^

PSN Showbiz

Mother Lily masaya sa kinita ng The Annulment, mga kasabay hindi masyadong nakagalaw sa takilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda ng ngiti ni Mother Lily Monteverde nang nakatsikahan sa mediacon ng horror movie niyang The Heiress nung isang gabi.

Kinumusta kasi namin ang box-office performance ng The Annulment at masaya na siya.

Happy na raw siya sa kinalabasan ng pelikula, lalo na’t pinuri naman pati ang acting nina Lovi Poe at Joem Bascon.

Sabi ni Roselle Monteverde, naka-2.7M daw ang first day na kinita nito at nang sumunod na araw, 10 percent lang daw ang ibinaba nito.

Inaasahan nilang maganda pa lalo ang kalalabasan sa weekend. Kasabay ding nag-showing ng The Annulment ang The Art of Ligaw at Two Love You, at sabi ng  aming source, isa sa dalawang pelikulang iyon ay nawalan na raw ng sinehan.

Nakakalungkot, pero mahirap pa rin talaga kaya sana makabawi-bawi na raw ang ibang pang pelikula ipalalabas bago mag-Metro Manila Film Festival.

Bago mag-MMFF ay ipalabas na ang ilang pelikulang ‘di nakapasok sa taunang filmfest.

Sa November 27 ay magsu-showing na ang horror movie ng Regal na The Heiress nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Nalungkot daw ang direktor nitong si direk Frasco Mortiz nang nabalitaan niyang ‘di nakapasok sa MMFF 2019, dahil intended for the filmfest daw talaga ito. Pero kaagad naman daw siyang natuwa nang ibinalita sa kanyang nakakuha agad sila ng playdate.

Hindi naiwasang nag-expect siya dahil ang dami raw taga-MMFF ang nagsabi sa kanyang maganda ang pelikula, pero may ibang dahilan kung bakit hindi ito nakapasok.

“May ibang reasons bakit hindi ito nakapasok. Baka mas maganda talaga siya sa playdate niya ngayon,” pakli ni direk Frasco Mortiz.

“Baka iyun talaga ang gusto ng Diyos. Hindi naman natin puwedeng kuwestiyunin ang kagustuhan ng Diyos. Baka mas kumita pa ito, eh di mas masaya pa si Mother,” sabi naman ni Maricel Soriano.

Teresa at Diego madalas sa bahay nila Sunshine

Doon din sa mediacon ng The Heiress ang isa sa mga cast na si Sunshine Cruz.

Ang dami naming napag-usapan, pero nakiusap siyang huwag na lang sana ang tungkol kay Cesar Montano.

Ang mahalaga okay daw ang mga anak niya sa kanilang ama.

Ang isa sa masayang kinuwento sa amin ni Sunshine ay tungkol kay Diego Loyzaga na madalas palang dumadalaw sa kanila para maki-bonding sa kanyang mga kapatid. “He visits my kids,” nakangiting pahayag ni Sunshine.

“May time na almost everyday nandun siya sa house with my children. But, of course I respect their privacy, ayaw nilang ilabas yung photos.. yung bonding ng mga kids.

“Natuwa nga ako, meron siyang kasama si Tong (Teresa Loyzaga)…napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego,” dagdag niyang pahayag.

May mga narinig kaming kuwentong ready nang bumalik sa showbiz si Diego, at okay na okay na raw ito

Totoo bang sa Kapuso network daw siya pipirma?

“Kung ano man yung balak at plano niya sa buhay, nandito lang kami bilang Tita Shine at mga kapatid niya na mahal na mahal siya.

“Nandito lang kami to support him, lagi naman yun,” sabi pa ni Sunshine.

Sinundan namin ng tanong kung okay na okay na ba si Diego, at kumusta na siya ngayon.

“Ever since naman mabait eh. Kaya naintindihan ko naman siya,” pakli niya sa amin.

 

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with