Heart kinainggitan ng fans ni Ji Chang Wook!

Heart & Ji Chang Wook

Marami sa Pinoy fans ni Ji Chang Wook ang nainggit kay Heart Evangelista dahil hindi lang nakita ng aktres at mga kasama ang sikat na Korean actor/singer, nakapagpa-picture pa sila rito.

Pinost ni Heart sa IG story at sa Twitter ang photo nila ni Ji Chang Wook at sabi ni Heart, “Thank you for standing up to take a photo with us.”

Ang ganda ng photo nina Heart with Ji Chang Wook na nag-thumbs up sign pa at naka-smile. May nag-comment nga na mukhang si Ji Chang Wook pa ang nagpa-picture sa grupo nila Heart.

Nagkasama sina Heart at Ji Chang Wook sa Clash De Cartier event ng Cartier sa Singapore, kaya ru­mampa na naman si Heart.

Anyway, aliw ang sagot ni Heart sa tanong ng isang netizen kung ano ang amoy ng fart (utot) ng mayayaman dahil sosyal at mamahalin ang kinakain?

“Amoy strawberry pero ako cherry lang. char,” ang sagot ni Heart na nakapag-promote pa ng endorsement niyang Cherry Mobile cellphones.

Kris nagkasakit nang magbakasyon

Nakabalik na ng bansa sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby after ng bakasyon nila sa States. Curious lang ang supporters ni Kris sa sinabi sa post niya sa Instagram (IG) na nagkaroon siya ng health issues habang nasa ibang bansa. Dahil hindi na nag-a-update sa health problems niya sa socmed si Kris, hindi alam kung nagkasakit ba siya.

Sabi naman nito, she is looking forward sa mga dumadating sa kanya at tanggap na niyang parte na ng buhay niya ang kanyang sakit. The least she can do is to obey her doctor na ang ibig sabihin, total rest for a couple of days bago bumalik sa trabaho. “

Love triangle nina Ogie, Janno at Manilyn naungkat!

Nag-congratulate si Ogie Alcasid kina Janno Gibbs at Manilyn Reynes na muling magtatambal sa Viva Films movie na Mang Jose. 

Sa mga hindi nakakaalam, noong panahon ng kabataan ng tatlo, naging magkaribal sina Ogie at Janno sa panliligaw kay Manilyn. Ang kuwento ni Ogie, si Janno ang naging BF ni Manilyn, siya ang sinagot kaya hindi na niya itinuloy ang panliligaw. Nag-break din sina Manilyn at Janno dahil nalaman ni Manilyn na GF din ni Janno si Bing Loyzaga.

Ngayon, pare-parehong may pamilya ang dating magka-love triangle at kinuha pa ngang ninong at ninang ng anak ni Janno na ikakasal sina Ogie at Regine Velasquez.

Nanatili namang friends ni Manilyn sina Janno at Ogie na puwede niyang makatrabaho. Alam ito ng husband ni Manilyn na si Aljon Jimenez dahil siya ang manager ng aktres.

Show comments