Pres. Duterte at Ted
Ted Failon naka-exclusive kay Pres. Digong
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasagutin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maiinit na isyu sa estado ng agrikultura ng Pilipinas sa eksklusibong panayam sa kanya ni Ted Failon ngayong Sabado (Nobyembre 16) para sa ikalawang bahagi ng Wakas ng Paggapas? 10th anniversary special ng Failon Ngayon sa ABS-CBN at iWant.

Sa pagpapatuloy ng paghimay ng programa sa mga problemang kinahaharap ng ating mga magsasaka, ilan pang kasayangan ng pondo ng bayan para sa agrikultura ang isisiwalat ng programa.

Bukod sa mga makinaryang hindi mapakinabangan, natuklasan ng programa ni Ted na mayroon pang mga kagamitan na milyon-milyon ang halaga na naka-tengga lang sa halip na naipamahagi at napagamit sa mga magsasaka. Dagdag pa riyan ang mga proyektong patubig na hindi pa rin naisasakatuparan.

Ang mga ito ang ilan lang sa mga bagay na nagpapahirap sa ating mga kababayan at naguudyok sa kanilang iwan na lang ang pagsasaka. Kaya naman sa bihirang pagkakataon, haharap si Pangulong Duterte kay Ted Failon upang diretsuhang sagutin ang mga isyu sa kalagayan ng ating agrikultura.

May pag-asa pa ba sa sektor ng pagtatanim ng palay sa bansa?

Bongga si Papa Ted, nasolo ang presidente.

RODRIGO ROA DUTERTE TED FAILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with