Bukod sa weekly anthology Bong papasok sa serye ni Alden!

Alden

Dini-discuss na pala ng production ang special guest appearance ni Sen. Bong Revilla sa The Gift ni Alden Richards.

Pero ang isang definite diumano, magkakaroon ng drama antho­logy si Sen. Bong sa GMA 7 next year ayon sa isang insider ng Kapuso Network.

Mabilis nga ang ginawang pagre-react ng inactive singer na si Jim Paredes sa pagbalik-GMA ng senador na sinagot ni Nay Lolit Solis na kilalang malapit kay Bong.

“PERA PERA PERA lahat. OK Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this,” sabi ni Mr. Paredes na dating member ng APO Hiking Society na kama­kailan lang ay naging controversial dahil sa kumalat niyang sex video (na inamin niya).

Show comments