Nathalie goodbye na sa pagpapa-sexy!
Nathalie Hart
Nathalie goodbye na sa pagpapa-sexy!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2019 - 12:00am

Isa ang Patayin Sa Sindak Si Barbara sa mga pelikulang mara­ming tinakot. Una itong ipinalabas noong 1974 featuring Susan Roces and Rosanna Roces.

Meron din itong version noong 1995 na pinagbidahan naman nina Lorna Tolentino at Dawn Zulueta.

Ngayon 2020, bibigyang buhay naman ito nina Nathalie Hart at Mariel de Leon.

Bago manganak ay nagawa pang tapusin ni Nathalie ang nasabing horror film kaya naman masuwerte siya rito.

Puro sexy roles ang mga huling ginampanan ni Nathalie bago siya nagkaroon ng anak, at ngayon, susubukan naman niyang manakot sa Patayin Sa Sindak Si Barbara.

Iiwanan na kaya niya ang pagpapa-sexy?

Lovi may chance sa Star Cinema

Nakakatulong ng malaki sa industriya ang ginawang pagsasanib-puwersa ng mga artista na mula sa magkalabang istasyon na ABS-CBN at GMA-7, tulad na lang ng unang pagtatambal nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na umani ng bilyon sa takilya.

Sinundan din ito ng pelikula nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na Isa Pa With Feelings, na bagama’t hindi ganon kalaki ang kinita ay talaga namang pinag-usapan din.

Si Dingdong Dantes, marami-rami na ring nagawa sa bakod ng Kapa­milya.

Ang pamamasyal ni Lovi Poe sa kabilang bakod para sa isang movie with Joem Bascon - The Annulment ay nagpalaki ng bilang ng fans niya at nagpakilala sa kanya sa mga tauhan  ng kalabang network ng GMA na puwede siyang gumawa ng pelikula sa kanila.

51 days na lang…

Opisyal na ang pagdating ng Pasko in 51 days. Tapos na ang holidays na nagpapabagal sa pagsapit ng Pasko.

Ngayon, pwede na nating paghandaan ang birthday ni Jesus. At kung hindi natin ‘yun magagawa dahilan sa kahirapan, maghintay lang tayo, because He will provide. Marami ang tumutulong, maging mapanalangin lang tayo. He listens.

NATHALIE HART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with