Heart ayaw magmaganda kay Kendall Jenner

Heart

Inggit na inggit ang stans (millennial words for fans) kay Heart Evangelista dahil sa latest Paris trip ni Heart, nakita niya si Kendall Jenner. Sa isang fashion show na ang location ay nasa Instagram (IG) ni Heart, mababasang sa Palazzo Doria Pamphilj rumampa si Kendall na kung saan, invited si Heart.

Naka-post sa IG ni Heart ang pagrampa ni Kendall na ang short caption lang ng fashionis­tang aktres ay “Red alert” dahil sa suot nitong red gown. Ayun, nagkagulo na ang followers ni Heart.

Ang daming natuwa na para bang sila si Heart at parang hindi makapani­wa­la na makikita ni Heart si Kendall. May nag-comment ng mas maganda pa rin si Heart kay Kendall na sinagot ng aktres ng “thank you pero mas ma­gan­da talaga siya haha” dahil sa parehong red dress na sinuot nila na ki­nu­­kumpirma ng fans.

Sunud-sunod ang tra­vel ni Heart at matitigil lang siya sa kalilipad sa ibang bansa kapag nagkaroon uli ng regular show sa GMA-7. Pero kahit may regular show, kapag may invitation kay Heart to travel, nagagawan niya ng paraan ang kanyang schedule na mapuntahan ang imbitasyon.

Kapansin-pansin na dumami ang vloggers at bloggers na followers ni Heart sa IG dahil na rin ito sa mga travel niya na madalas, para dumalo sa Fashion Week.

Isa lang kasi si Heart na nakakadalo sa Paris Fashion Week at New York Fashion Week at iba pang Fashion Week na sikat sa buong mundo.

Andrea at anak ni Derek, nag-bonding

Napanood namin ang video na pinost ni Derek Ram­say na nasa car sila ng anak na si Austin. Kasama nila sa car ang isa pang relative yata ni Derek at si Andrea Torres. In fact, si Andrea ang katabi ni Derek sa driver’s seat.

Kumakanta at nagra-rap ang grupo at kitang nakikisabay si Andrea. So, ang ibig sabihin, nakilala o ipinakilala na ni Derek ang anak sa kanyang GF at siguro naman, nagkakasundo sina Andrea at Austin.

Samantala, may pinost ding photo si Andrea na kasama ang mom ni Derek. Maiksi lang ang caption ni Andrea na “grateful for you” pero mababasa na masaya ang shippers nina Andrea at Derek.

Hindi lang napigilang may nakasingit na basher sa positive na sanang comments at inakusahang social climber si Andrea. Kaya lang daw nakakadalo si Andrea sa mga sosyal na event dahil kay Derek. Tinawag pa nitong cheap si Andrea, kesyo retokada na matagal ng isyu at walang napatunayan.

Parang hindi nabasa ni Derek ang pamba-bash na ito kay Andrea dahil hindi siya nag-comment. Sabagay, sa IG ni Andrea nag-comment ang basher at hindi sa IG niya, pero foul pa rin ang ginawa at mga sinabi nito.

hairstyle ni Alden,

Ginawa ni Mikee

Kaya pala may nakasulat na hair style by Mikee Quintos ang Instagram (IG) post ni Alden Ri­chards na naka-man bun si Alden habang nasa ta­ping ng The Gift dahil si Mikee ang nag-ayos ng man bun ni Alden. Bagay na ikinatuwa ng ibang fans ng aktor at mayroon namang ayaw na close si Mikee kay Alden.

‘Kaloka na pati si Mikee, pinagseselosan ng ibang fans eh, kita namang friends lang ang dalawa at co-workers. Saka, may BF na si Mikee na kaibigan din ni Alden at minsan, nakakalaro pa ng Mobile Le­gends. Kakilala ni Alden si Andre Guevara dahil dina­dalaw sa taping ng The Gift  si Mikee ng BF at ipinakilala niya ito kay Alden.

Sa story ng The Gift, binasted ni Sep (Alden) si Amor (Mikee), pero ang maganda, bumalik ang ka­nilang friendship.

Speaking of Mikee, binanggit namin sa kanya na kamukha niya si Scarlet Snow Belo, ang anak nina Dr. Hayden Kho at Dr. Vicki Belo. Sagot nito, nakikita rin niyang may hawig sila lalo na noong kasing edad siya ni Scarlet. Naaliw nga kami dahil ginawa ni Mikee ang TVC ni Scarlet nang ini-endorse nitong powder milk at pati boses ni Scarlet, nagaya niya.         

Claudine naki-party kay Annabelle

Dumalo si Claudine Barretto sa 67th birthday party ni Annabelle Rama at may nakita kaming picture nila ni Ruffa at isa pang girl. May nag-comment na sana okay sila ni Claudine.

Sagot ni Ruffa, “ok ako sa lahat ng artista. Wala akong kaaway.” May nag-comment pa ng “Woah Claudine is also there rin pala ...im glad both of u were okay...” at sinagot ni Ruffa ng “For the record, Claudine has always been sweet, polite, and kind to me & my family.”

Nakita rin namin sa family photo ng mga Gu­tierrez na kasamang dumalo rin sa birthday party ni Annabelle sina Ramon Christopher at ang mga anak nitong sina Janine at Maxine Gutierrez.

KMJS, nag-trending

Nag-trending uli for nationwide at worldwide ang ika-pitong Gabi ng Lagim Halloween Special ng top-rating GMA program na Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday. Actually, hindi pa man umeere  ang show ni Jessica Soho, trending na at pinag-uusapan online.

Tampok ang mga segment na Museo, Flying Ataul, Sundo at Koleksyon.

Show comments