^

Marian at Heart magkaayos din kaya?

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2019 - 12:00am

Hindi pa rin pinagsasawaan ang iskandalo ng Barretto sisters, pero mas mabuti naman siguro na mga positibong isyu na muna ang pag-usapan.

Ang daming magagandang pangyayari ang pinag-usapan din sa social media.

Kagaya nung nakaraang Biyernes na ang ganda ng post ng dating manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo sa kanyang Instagram account.

Nagkabati na pala silang dalawa, pero hindi na namin inalam kung paano nangyari.

Ramdam mo naman ang sincerity sa post nilang dalawa na okay na okay na sila.

Si Popoy ang unang nag-post ng kuha niyang kasama si Marian at nasa caption nito ang Bible verse mula sa Isaiah 60:22; “When the time is right, I, the Lord, will make it happen.”

Nag-comment doon si Marian ng “Love you @popoycaritativo.”

Kaagad dinagsa ito ng mga kaibigan nila sa showbiz na natutuwa sa kanilang pagbabati.

May mga kasunod pang post si Popoy na kasama na niya sina Zia at Ziggy. Kaya nakakatuwa at nakaka-positive ang dating.

Bandang huli, nakita ko rin sa Instagram account ni Marian ang mga kuha nila ni Popoy.

Sabi niya; “Happy to see you, my momsie (smile emoji) Mahal kita mula noon, hanggang ngayon @popoycaritativo.”

Ramdam mo naman talaga ‘yan kay Marian dahil emotional talaga kapag ang dating manager na ang tinatanong mo sa kanya.

Kaya wala nang problema sa mga makakasama ni Marian sa isang project sa GMA-7. Puwede nang makasama ni Marian ang mga alaga ni Popoy.

Kaya hindi na rin malayong magkakaayos na rin siguro sina Marian at Heart Evangelista, dahil maganda rin kung magsama sila sa isang programa sa GMA-7.

Love wins...Vice at Ion umamin na sa kanilang relasyon!

Positibo rin ang dating ng pag-amin ni Vice Ganda ng tunay na relasyon nila ni Ion Perez.

Masigabong palakpakan ang sagot ng audience sa Resorts World Manila na kung saan doon nila ipinagdiwang ang 10th anniversary ng It’s Showtime.

Sinabi ni Vice na nahanap na raw niya ang taong nagmamahal sa kanya.

Inayunan din ito ni Ion na nagpahayag na ang taong minahal niya ay hindi lang si Vice Ganda kundi si Tutuy, ang talagang palayaw ni Vice Ganda.

Ang saya lang! Love wins!

Daniel at Kathryn naghahanda na sa future

Ang saya-saya rin ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa grand opening ng bagong negosyong pinagsamahan nila.

First time nilang mag-partner sa isang negosyo, itong Barbero Blues na una nilang binuksan sa 5th level ng SM The Block ng SM North Edsa.

Meron pa raw silang isa pang bubuksan next month sa SM Fairview naman.

Talagang si Daniel daw ang nag-ayos ng lahat ng mga detalye ng barber shop na ito, mula sa pangalang Barbero Blues, pati sa design ng shop, at mga gamit na ini-order pa nila sa ibang bansa.

“Goal namin yan bilang partners na mag-venture sa business, at investment na rin sa kinikita.

“Yan ang natutunan ko sa Mom ni Kathryn. Talagang very wise, fountain of wisdom namin yan,” pakli ni Daniel nang nakatsikahan namin bago ang ribbon cutting.

Masyado pang maaga kung may plano man sila sa pag-settle down, pero mabuting pinaghahandaan na raw nila ang kanilang future.

“Future naming dalawa, para lang…aside sa trabaho natin, meron din tayong business.

“Very lucky na nandiyan si Mama, yung mga nagga-guide sa amin para turuan kami sa ganitong mundo,” sabi naman ni Kathryn.

“Ang plano naman namin na more businesses. Hindi naman habang buhay na mag-aartista ka eh.

“Darating ang panahon na gusto na namin mag-relax, mag-settle…yun naghahanda na tayo,” dugtong naman ni Daniel.

Naniniwala silang itong ganitong partnership nila sa negosyo ay lalo pang pinagtitibay ang kanilang relasyon. “Growth yan ng isang relationship,” pakli ni Kathryn.

“Mismo!” sabi naman ni Daniel.

Dumating din sa opening ng Barbero Blues ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla, at mga close friends ng magkasintahang sina Ria Atayde, Dominic Roque, Patrick Sugui, at Vivoree Esclito.

 

MARIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with