Angelica natabunan

Angelica Panganiban
Philstar.com/EC Toledo IV, File

MANILA, Philippines — Maraming nilamong balita ang Barretto saga / serye since last week.

Like hindi gaanong na-play up na nasa selda na pala ang babaeng gumamit ng credit card ni Angelica Panganiban.

Kaya nga nagpasalamat ang actress sa NBI na tumulong para mahuli ang ate na magnanakaw ng credit card. “Maraming salamat NBI! Kapag akala mong, sadlak na sadlak na ang sistema... May mga tao pa din na tapat ang serbisyo. Salamat po!,” tweet ni Angelica the other day.

Nahuli pala ang suspek sa kanilang bahay na ang pangalan ay Agatha Reyes.

Last August pa inireklamo ni Angelica na may gumamit ng credit card niya. “May gumagamit ng credit card ko sa Pampanga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao. Ba’t d kyo mag-ipon para sa sarili niyo? Ba’t kayo magnanakaw?”

Show comments