Regine Velasquez
Iconic dinayo ng fans galing abroad
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iba rin ang energy ni Regine Velasquez.

Matapos ang sold out two-night Iconic concert nila ni Megastar Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum, nag-ASAP pa siya kahapon.

Parang hindi nga nawawalan ng boses ang nag-iisang Songbird.

Nakakabilib actually sila ni Mega. Walang kupas ang husay nila ni Ms. Shawie kaya naman proud na proud sa kanila ang mga mister nilang si Sen. Kiko Pangilinan at Ogie Alcasid sa Iconic concert.

Saka iba ang professionalism ng mga datihang singer.

At ito ha, hindi the same ang repertoire nila sa two night concert.

Sa first night ng concert ako nanood at sabi ng mga nanood din ng second night, may iba silang mga kanta sa second night.

Anyway, marami ring fans sina Sharon and Regine na nag-uwian pa galing ng abroad para manood ng Iconic.

I’m sure matagal pa uli itong mauulit.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with