Gabby binunyag ang beauty secrets, KC dini-date si APL.DE.AP
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wow may beauty secrets din pala si Gabby Concepcion.

Yup, as in meron din siyang ginagamit para ma-maintain ang kanyang skin.

Para nga kasing wala ring pagbabago kay Gabby.

Imagine pag nagma-mall tour siya for Beautéderm, tinitilian siya ng todo. At ang tawag sa kanya ng loyal fans niya, siya lang ang superman nila.

Yup, kasali na siya roster of brand ambassadors ng Beautéderm Corporation na nangu­nguna ngayon sa market.

Multi-awarded na actor si Gabby at itinuturing na showbiz royalty na mahigit 70 pelikula na pala ang nagawa.

Since mag-start siya sa showbiz, kinilala na siya bilang isa sa pinaka-guwapong aktor dahil sa ganda ng kanyang mukha at katawan. Legendary sabi nga ang kanyang kagwapuhan at ang trabahong kanyang naiambag sa industriya.

Sa pag-mature ni Gabby bilang aktor sa pagdaan ng panahon, na-maintain niya ang kanyang hitsura at freshness lalo na ngayong may tulong na siya mula sa Beautéderm.

“I feel young and I feel great,” sabi ni Gabby. “I am energized to face the world and work. Salamat sa skin set ng Beautéderm, I can look fresh and revitalized any time of the day. I eat right and I work out regularly and of course Beautéderm is now an irreplaceable part of my daily regimen. Ngayon masasabi ko na men can glow too!,”  sabi ni Gabby nang magkaroon siya ng press launching with Ms. Rhea Tan.

“ We welcome Gabby with open arms and we are so thrilled to have him onboard,” sabi ni Ms. Rhea. “10th year na rin namin and we are developing new products that will expand the Beautéderm line. Punong-puno ng pagpapasalamat ang aking puso,”  dagdag pa ni Ms. Rhea.

Sa ngayon, mayroong humigit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw dito at sa abroad. Marami na rin silang physical stores sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambassadors ang kumpanya na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, mga TV personalities, singers, beauty queens, mga pulitiko, mga comedians, at mga social media influencers. 

Anytime din ay magbubukas ng Beautéderm store ang nanay ni Marian Rivera sa Cavite.

Si Gabby naman ay nagbebenta na rin ng products online.

Wow, congrats Ms, Rhea.

Speaking of Gabby, aware kaya siyang nali-link ngayon sa anak niyang si KC Concepcion ang Black Eyed Peas member na si Apl.de.ap?

Nag-upload kasi si KC ng photos nila ng half Pinoy/half American singer na member ng Black Eyed Peas.

“Started the week quite right with this awesome guy (who makes Monday feel like Friday!) @apldeap || @bep.”

Bukod pa ito sa marami niyang IG story na naka-tag si Apl.de.ap.

Kaya nga binibiro siya ng followers niya na baka ito na.

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with