Alden & Lisa Ilusyon na anak ng fans nina Alden at Maine, lumalala pa!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

May mga naniniwala pa rin pala na may anak sina Alden Richards at Maine Mendoza at Seig­fried Teodo Mendoza Faulkerson daw ang pangalan nito. Ito’y kahit itinanggi na ng dalawa na may anak sila at kasal sila at kahit itinanggi na ng daddy ni Alden, sige pa rin ang paniniwala ng ilan na may anak nga ang ex-love team.

May nag-comment kasi na dapat ay ilabas na nina Alden at Maine ang anak nila dahil lumalaki ang bata na kanilang itinatago. Sabi pa ng nag-comment, malapit na silang mapuno sa mga kasinungalingan ng dalawa dahil lang sa kanilang career.

Ito’y pagkatapos sa sunud-sunod na pagsasabi ni Alden na single siya, lumabas pa na may crush siya sa Black Pink member na si Lisa Manoban at sinundan nang interview ni Maine kay Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda na pinili niya si Arjo Atayde over Alden and Carlo Aquino na leading man niya sa pelikulang Isa Pa with Feelings na showing sa October 16.

Anyway, tuluy-tuloy ang promo nina Carlo at Maine sa kanilang pelikula na hindi pa man showing, hinihiritan na ng follow up movie.

Alden tinawag na ‘clout chaser’

Samantala, marami ang nagagalit kay Alden sa pag-aming crush niya si Lisa Manoban ng Black Pink at inakusahan pang “clout chaser” ang aktor na bagong term na ng millennials sa kumakapit sa mga sikat para mapansin.

Ang nakakatuwa, mismong Pinoy fans ni Lisa ang nagtatanggol kay Alden dahil hindi man sila fan ng aktor, alam nilang sikat ito sa bansa. Sila ang umaaway sa mga namba-bash kay Alden.

Tanong pa ng defenders ni Alden, bakit si Pia Wurtzbach na umamin ding mas gusto si Lisa kesa sa isa pang member na si Jennie Kim, hindi bina-bash ng bashers? Ano raw ang pagkaka-iba ng paghanga ng dalawa kay Lisa?

Sharon dumepensa sa pagkakasakit

Sinagot ni Sharon Cuneta ang netizen na nag-comment na sana ay gumaling na siya para sa October 18 & 19 concert nila ni Regine Velasquez na Iconic sa Smart Araneta Coliseum dahil nag-i-expect ang audience ng iconic performances.

Pinuna rin ng netizen na tuwing may concert si Sharon, nagkakasakit bago ang concert, lumalabas daw na inuunahan na nito halimbawang hindi maganda ang performance niya at hindi maabot ang high notes.

Na-trigger siguro si Sharon dahil pinagkumpara sila ni Regine na laging at her best. Sinabihan pa si Sharon na iwasang dumaldal in the middle of her song, tapusin muna ang kanta at ‘wag i-short change ang audience.

Sagot ni Sharon: “Since teenager ako NAGKAKASAKIT AKO BEFORE A CONCERT. At humble ako enough na ever since sinasabi ko naman na pinakamagaling na singer si Regine. Hindi naman singing contest ito. Konting sensitivity lang sana please. May sakit yung tao. Nag-States ako ng 6 days na both West and East Coasts-para sa trabaho din yung sa West. Di nna nakatulog, sumabak agad sa trabaho. Tao lang po. And I have ALWAYS delivered pagdating sa LAHAT ng shows ko. Once I had a 105’ fever during a New Jersey concert but I finished it with flying colors. Kung ano naman ang bait at pagka supportive ni Reg, ganon naman kayo ka-hars. Konting kindness at dasal lang sana. After all, sa pagkakaalam ko, di naman ako tinawag na walang narating na starlet?”

15 movies pagpipilian sa natitirang 4 entries sa MMFF

Nabalitaan namin na 15 ang nag-submit sa Metro Manila Film Festival para sa remaining four slots sa official entries at isasama sa unang four official entries na una nang napili based sa script na pinasa.

Sa October 16 na i-a-announce ng Selection Committee ang lucky four at sa ngayon, tuloy ang kanilang pagre-review sa entries.

Binanggit sa amin ang ilang pelikulang isinumite for consideration at kasama ang movie nina Cong. Alfred Vargas, Shaina Magdayao at Iza Calzado. Tagpuan na raw ang title nito mula sa working title na Manila-Hong Kong-New York. Si Mac Alejandre ang director ng movie na kinunan dito, sa Hong Kong at New York.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with