^

PSN Showbiz

Angel nagpabuhat sa mall!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Angel nagpabuhat sa mall!
Angel Locsin

Walang alinlangan na si Angel Locsin ang female counterpart ni Coco Martin sa pagiging action-drama queen. Ang popularity ni Angel at ng kanyang nagtapos na action-drama TV series na The General’s Daughter ay isang indikasyon kung gaano kainit ngayon ang magiging misis ng film producer na si Neil Arce.

Dinagsa ng napakaraming tao ang huling promo activity ni Angel para sa The General’s Daughter na ginanap sa isang mall sa Alabang kung saan kulang na lamang siyang malamog sa rami ng mga taong gustong makalapit sa kanya. Kinailangang buhatin  pa si Angel ng mga close in security men para lamang mapalapit sa kanyang mga supporter.

Hindi rin alintana ni Angel ang hirap na kanyang na-experience dahil nag-uumapaw sa kanyang puso ang pasasalamat dahil na mainit na pagtanggap sa kanya at sa buong cast ng The General’s Daughter lalo na nung ito’y nasa ere pa.

Sinabi ni Angel na magpapahinga lamang umano siya ng ilang buwan pero agad siyang babalik sa trabaho.

Ana Capri iniluwal na ang first baby nila ng Australian husband

Nakapagsilang na ang forty-year-old actress na si Ana Capri sa first baby nila ng kanyang Australian husband na nagngangalang Dave. Boy ang isinilang ni Ana last August 30, 2019 na may pangalan na Dylan John.

Si Ana at Dave ay ikinasal sa Australia last May 13 with only their immediate members of the family in attendance.

Although nami-miss ni Ana ang kanyang showbiz career sa Pilipinas, panahon na rin para harapin niya ang kanyang buhay may asawa lalo pa’t meron na silang anak ni Dave na nagtatrabaho sa isang gas and oil company.

Ang buong akala  ni Ana ay tatanda na lamang siyang dalaga hanggang sa makilala niya ang kanyang Australian husband.

Sharon at Regine may mutual admiration

Dream come true pareho kina Sharon Cuneta at Regine Velasquez ang kanilang pagsasama sa isang rare major concert, ang Iconic na nakatakdang ganapin sa Big Dome (Ara­neta Coliseum) sa darating na October 18 & 19, 2019.

Hindi ikinakaila ng Asia’s Songbird at misis ni Ogie Alcasid na si Regine na big fan umano siya ni Sharon at una niyang inabutan ang signature hit nitong Mr. DJ na noon pa man ay kinakanta-kanta na umano niya.

Ahead si Sharon kay Regine sa pagpasok sa showbiz kaya nagsimula umano ang Asia’s Songbird sa pagi­ging fan ng Megastar.  Never umano in her wildest dreams na papasukin din niya ang music and entertainment scene at never din niya inakala na magkakaroon sila ng chance na magkatrabaho ng kanyang idolo.

Sa part naman ni Sharon, she admitted being also a fan of Regine matapos itong maging grand champion sa Bagong Kampeon in 1984 hosted by Asia’s Queen of Song at ang yumaong komedyante na si Bert “Tawa” Marcelo.  At that time ay Chona Velasquez pa ang gamit na pangalan ni Regine at unang naging recording artist ng OctoArts International na pag-aari ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad.

Detalye sa kasal nina Richard at Sarah unti-unti lang

Tiniyak ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Labahti na magiging bahagi ng kanilang upcoming wedding entourage ang dalawa nilang mga anak na sina Zion at Kai.

Kumpirmado nang ikakasal sina Richard at Sarah sa darating na March 2020 (exact date withheld) na personal kinumpirma ng dalawa last Sunday afternoon nang sila’y humarap sa entertainment media  to announce their grand wedding na gagawing wedding special ng ABS-CBN.

Hindi pa sini-share nina Richard at Sarah ang iba pang detalye ng kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib na unti-unti umano nilang ilalahad sa publiko sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network habang papalapit  ang kanilang kasal sa darating na Marso.

Umaasa rin si Richard na magiging bahagi rin ng kanilang wedding entourage ang kanyang mga kapatid na sina Ruffa, Rocky, Elvis, twin brother na si Raymond at bunsong kapatid na si Ritchie Paul.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with