Ogie walang pahinga
Ogie
Ogie walang pahinga
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2019 - 12:00am

Kahit may sakit, tuloy ang trabaho ni Ogie Alcasid. Yup, nang makausap namin siya three days ago, halos wala siyang boses at kagagaling lang sa trangkaso. Pero dedma ang mister ni Regine Velasquez, work pa rin siya.

After ngang maging hurado sa katatapos na Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, ito at meron silang concert sa Resorts World Manila - Ogie and the Hurados with Zsa Zsa Padila, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela and Rey Valera sa October 10, 8:00 p.m. sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Last February lang nang maka-share niya sa RWM stage si National Artist for Music Ryan Cayabyab.

Magiging highlights din ng concert ng mga ‘hurado’ ang accomplishments of the hurados over the years with the musical direction of Nikko Rivera and concert direction of Paolo Bustamante.

By the way,  ngayong gabi ipapalabas ang MMK episode ni Ogie sa #MMKBosesAtKamay, 8:30PM pagkatapos ng TVK (The Voice Kids) Season 4!

Gagampanan niya ang isang komedyanteng puppeteer na naging madrama ang buhay pero nalampasan lahat ng pagsubok.

Grabe, ayon kay Ogie sobrang nakakaiyak ang kuwento ng puppeteer na si Carlo kaya pinaghahanda niya ang mga manonood ng tissue.

OGIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with