Young actress na tanga-tangahan sa pagmamahal, gustong sundan ang ginawa ng BF

Mas matimbang ang pag-ibig kesa sa trabaho. Ganu’n ang paglalarawan ng mga impormante tungkol sa isang magka-loveteam na sagad ang pagmamahal sa isa’t isa.

?Pero may mga nagpapatotoo na mas matindi ang emosyon ng babae kesa sa kanyang boyfriend, kitang-kita naman ang pruweba, bigay na bigay sa pagpapakita ng pagmamahal ang young actress pero cool na cool lang ang kanyang boyfriend.

?Kuwento ng isang source, “Para ka­sing mamamatay na ang young actress kapag nawala sa buhay niya ang guy. Kitang-kita naman kung paano niya bigyan ng importance ang guy, di ba?

?“Talagang para na siyang wife, alagang-alaga niya ang BF niya, sinasamahan niya kahit saan magpunta, ayaw niyang nagkakahiwalay sila,” unang impormasyon ng aming impormante.

?Ayon sa mga taong close sa magka-loveteam-magkarelasyon ay matiisin ang babae. Kaya niyang sayawan kahit ang sumpong ng kanyang boyfriend.

?Patuloy ng aming source, “Di ba, mahirap ispilengin ang ugali nu’ng lalaki? Supladito ang young actor, ipinakikita niya ang mga disgusto niya sa buhay kahit sa harap ng maraming tao!

?“Kayang-kayang sabayan ‘yun ng girl, martyr nga siya, e. Kapag walang kibo ang BF niya, e, pinababayaan lang niya! Tumatahimik lang din siya!

?“Kapag okey na ang mood ng guy, e, di okey na rin sila! Nakakahanga ang babaeng ‘yun, hindi bale nang magsakripisyo siya nang todo, huwag lang silang magkaproblema ng boyfriend niya!

?“Ang sabi nga ng mga friends niya, e, tanga raw ang girl, kasi nga, e, pumapayag siyang sunud-sunuran lang sa BF niya! Pero ‘yun ang tunay na pagmamahal, pinatunayan na ‘yun ng girl nang maraming beses!” opinyon ng aming source.

?Nakalutang ang kanilang trabaho ngayon. Naghuhulaan ang marami kung susunod ang babae sa naging desisyon ng young male personality na pag-alis sa nag-aalagang kumpanya sa kanilang karera.

?Opinyon ng aming impormante, “Parang ganu’n na nga rin ang gagawin ng girl. Matagal pa ang contract niya sa movie company, pero baka magbayaran na lang sila.

?“Sabi na nga, mas matimbang para sa girl ang love kesa sa trabaho, hindi siya makapapayag na basta na lang sila magkahiwalay. Susundan at susundan niya ang boyfriend niya kahit saan pa ‘yun magpunta!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Matteo at Sarah secretly married na?! ‘Di pala na-solo Kathryn sinundo ng mga kamag-anak sa Iceland

Pinayagan ng kanyang pamilya si Kathryn Bernardo na magbakasyon sa Iceland na si Daniel Padilla lang ang kasama niya. Wala si Tita Min sa biyahe ng magkasintahan.

?Maraming nagtatanong, akala raw kasi nila ay mahigpit ang pamilya ni Kathryn, pero bakit pumayag ang kanyang mga magulang na wala siyang kasamang kapamilya sa bakasyon.

?Natural, kasama na sa tanong na ‘yun ang posibilidad na kapag silang dalawa lang ni Daniel ang magkasama ay maaaring maganap ang lahat, magpapakasal na raw ba sila?

?Isang malapit sa pamilya ni Kathryn ang nakakuwentuhan namin, nilinaw nito na may mga kamag-anak sina Kathryn na susundo sa kanila ni Daniel sa pagdating pa lang nila sa Iceland, sasama rin ang mga ito sa group tour.

?“Ipinagbilin na si Kath ni Tita Min sa mga relatives nila. Sasamahan nila sina Kath at DJ sa group tour. ‘Yun ang malinaw,” komento ng aming kausap.

?Mahigit na isang dekada na ang relasyon nina Daniel at Kathryn, matibay na ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan, nasa wastong edad na rin sila kung tutuusin kung paplanuhin man nilang magpakasal na.

?Pero nasa kanilang career pa rin ang atensiyon ng magka-loveteam, marami pa silang gustong matupad na pangarap, alam nina Daniel at Kathryn ang kanilang mga ginagawa.

?Si Kathryn ay parang si Sarah Geronimo rin na ngayon lang pinapayagang lumipad nang mag-isa ng kanyang mga magulang.

?Nakita sa London ng mga kaibigan namin sina Sarah at Matteo Guidicelli na magkasama sa lahat ng pasyalan.

?“Nag-travel sila sa Europe from Cebu to Dubai, totoo bang secretly married na sila? Walang ibang kasama ang dalawa, sila lang,” tanong pa ng aming mga kaibigan.

?Ganown!

Show comments