Maine at Carlo may kilig!

Maine & Carlo

At least, may chance na ang entertainment press na makausap si Maine Mendoza sa Monday sa presscon ng Isa Pa With Feelings, ang pelikula nila ni Carlo Aquino.

Maganda ang trailer ng Isa Pa… at kahit may mga nagsasabi na walang romantic angle ang kanilang tambalan dahil may iba sila na mga karelasyon sa tunay na buhay, may kilig factor ang pelikula nila.

Kakaiba at maganda ang premise na deaf-mute ang karakter ni Carlo sa first movie team up nila ni Maine.

Natutuwa ako dahil both Maine and Alden Richards are doing good with other stars, talagang growing bigger and taller sila.

Hindi ba mas exciting na pagkatapos na maranasan nila na magkaroon ng ibang partners sa pelikula, kapag nagpareha muli sila sa movie o teleserye, ibang maturity at acting na ang kanilang maipapakita.

I love both of them, iba ang spark nila, ang kilig pero dapat makita rin natin ang reality. Sabi ko nga, parang Christopher de Leon at Vilma Santos sina Alden at Maine, walang tatalo sa chemistry nila pero sa personal life, iba ang partners nila na kaya natin na tanggapin mahalin.

Watch natin ang movie nina Carlo at Maine, suportahan natin at gawin natin matagumpay tulad ng nangyari sa Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn Bernardo.

‘We will always pray for you Isah’

Hindi ko masasabi na close na close ako kay Isah Red tulad ng closeness namin nina Douglas Quijano at Bibsy Carballo.

Ang closeness ko kay Isah, parang casual friendship lang. Okey lang pero na-feel ko ang certain sadness na painful sa heart nang pumanaw siya.

Si Isah ang patunay how life can be so fleeting, kung gaano kabilis at kadali kapag tinawag ka na.

Ang presscon ng Gabay Guro noong September 3 ang huling pagkikita namin ni Isah. Biniro ko pa ang Gabay Guro Chair na si Chaye Cabal-Revilla tungkol  sa sponsorship na hinihingi ni Isah for Eddys, ang P5000 worth of gift certificates na napanalunan niya sa raffle draw at win ang halos lahat ng Tribune staff na parang kanina lang nangyari kapag naaalaala ko.

In those times na magkakasama tayo sa mga biyahe Salve, nag-enjoy din ako na kasama si Isah, kahit kung minsan mas gusto niya na siya ang nasusunod sa restaurant  na kakainan.

Team player din siya dahil kung ano ang itine­rary, sinusunod niya. Masyadong sudden ang pag-alis ni Isah, hindi inaasahan at hindi akalain.

Sa listahan nga ni Gorgy sa mga invited nito sa presscon, laging  number 3 si Isah kaya nakaka-miss talaga.

Sana, kahit nasaan man ngayon si Isah, tahi­mik ang soul nito at nagawa niya ang  lahat ng  mga  bagay na kanyang gusto.

Ang edad niya na 67 is too young to die, along way to go pa pero rest in peace Isah Red, we will always pray for you.

 

Show comments