John Lloyd dinala ng nanay sa Amerika

Dinala ng kanyang nanay sa Amerika si John Lloyd Cruz.

Ito ay base sa mga nagkalat na photos sa social media kahapon kung saan magkasama ang mag-ina sa eroplano.

Diumano ay bibisitahin ng mag-nanay ang mga kapatid ng actor na matagal nang naka-base sa New York. Pero true kayang matagal din noong naging TNT sa New York ang mga kapatid ni aktor bago na­ging legal ang pagtira ng mga ito sa Amerika? Pero ngayon daw ay stable na ang buhay ng mga ito sa Amerika.

Yup, wala raw mga dokumento noon ang mga kapatid ng actor pero naayos din naman.

Si John Lloyd daw ang dating sumusuporta sa mga kapatid sa New York ayon sa kuwento ng isang source. 

Show comments