^

PSN Showbiz

Starla madugo ang special effects

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Starla madugo ang special effects
Judy Ann Santos

MANILA, Philippines — Mas sumipag ang mga artista ng hit seryeng The General’s Daughter para makipag-bonding kasama ang mga Kapamilya sa General Santos sa taunang Tuna Festival ng siyudad.

Nagpatili sa higit 2,000 Kapamilya sa KCC Mall Events Center ang love team nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, habang naghatid naman ng saya ang gwapong tandem nina Arjo Atayde at JC De Vera sa kanilang inihandog na harana.

Umapaw din ang kilig sa GenSan dahil sa nakakaakit na performance ni Kapamilya heartthrob Paulo Avelino.

Kahit hindi nakadalo sa Kapamilya Karavan ang bida ng matatapos na The General’s Daughter na si Angel Locsin dahil sa isang karamdaman pero nagalak pa rin diumano ang mga Kapamilya sa GenSan dahil tumawag ang aktres sa kasagsagan ng programa at nangakong bibista sa Tuna Capital ng bansa.

Samantala, ang Starla ni Judy Ann Santos and Raymart Santiago ang papalit sa magtatapos na The General’s Daughter.

Halos natapos na raw ang taping nito dahil last year pa sila nag-umpisa ayon sa isang supporting cast.

Madugo daw kasi ang special effects kaya hindi sila puwedeng maging hand-to-mouth ang taping.

Pambata ang kuwento ng Starla.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with